Prologue

8 1 0
                                    


"What is your dreams." Tanong ni Ma'am Seri.

Nag ingay ang buong klase. Binubulong, sinisigaw at ipinagmamalaki nila ang kanilang mga pangarap. I wonder if they are surely want it. Or they just have a no choice. Pwede ding dahil sa may masabi lang.

"A doctor!"

"A seaman!"

"An engineer!"

"A Chef!"

"A pilot!"

"An Architect!"

Ilang sigaw na maririnig sa loob ang apat na sulok ng aming silid aralan. Masaya nilang ibinahagi ang mga pangarap nila. Napairap ako sa kawalan. Hindi dahil wala akong pakialam kundi dahil wala akong pangarap na masasabi kong gusto ko talaga.

Nanatili akong tahimik. Bawat isa samin ay pinapatayo para ibahagi ang pangarap namin sa iba. Buti sila alam na nila ang gusto nila. Ako? Naiwan ng mundo ng mga pangarap.

"Stop yawning." Saway ni Cashel sakin.

"I'm sleepy." Sagot ko.

"Nagpuyat ka na naman ba? Agathi alam mong masama sayo yon." Paalala ni Zhino.

"Sa tingin n'yo ba? Mapapasa ko ang project natin kung hindi ako nagpuyat?" Tanong ko.

Hindi nakasagot si Zhino dahil sya na ang sunod na magsasalita. Gumewang gewang ang balakang nito papunta sa harap.

Ngumiti s'ya sa aming lahat. "Good morning, classmates! My dream is to become a business owner someday." Magiliw na saad nito at bumalik sa upuan.

Nailing nalang si Cashel at sunod na tumayo. "Good morning! My dream is to become an accountant." Tapos bumalik sa upuan nya.

Tumikhim sya. Wala akong magawa kundi ang tumayo. Kumuha ako ng blank paper at naglakad papunta sa harap.

Tamad akong ngumiti. "Magugulat ba kayo kung ang nangunguna sa klase ay walang pangarap? Well look at this." Sabay turo sa blank paper. "Here's my dream. You see nothing right? I don't have a dream." Sagot ko at umalis sa harap.

Alam ko namang wala silang pakialam sakin. Kaya sinulit kona. Lagi silang curious kung bakit daw ako matalino kahit wala sa itsura. Bumalik ako sa upuan ko pero hindi parin sila tapos pag usapan ako.

Ang mga kaibigan ko ay bumuntong hininga lang sakin. I don't have a dream. Nagpatuloy ang klase. Araw na lang ang bibilangin ay magtatapos na kami sa ikasampung baitang.

Senior High school is waving at us.

"You should take a rest, Agathi." Saad ni Cashel. Nasa cafeteria na kami. Nasa may counter si Zhino para kumuha ng pagkain namin.

"Mamayang gabi."

"We have an hour before the next class."

"Alam mong hindi ako makatulog sa school, Cashel."

"Sinabi ko bang matulog ka? May iba't ibang klase ng pahinga."

"Hindi naman ako pagod." Saad ko.

"Anong hindi pagod? Girl! May eye bags ka!" Sigaw sakin ni Zhino.

Kakadating lang nito. Nilapag nya ang mga pagkain namin. Kinuha ko ang pagkain ko at nagsimulang kumain.

"Galit na naman sila sayo." Tukoy ni Zhino sa mga kaklase namin.

"Bahala silang magalit." Sumubo ako ng kanin.

"Don't mind them, Vyo." Saad ni Cashel at nilagyan ng pritong manok ang pinggan ko.

Your Golden HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon