Chapter five

0 0 0
                                    

Chapter 5: Unhappy/ Blue

Naging masaya ang pananatili namin sa resort. Marami kaming nagawang mga memories doon. Sayang dahil isang araw lang kami namalagi don.

Ilang oras din kaming nakatambay sa cafe nila. Minsan ako ang gumawa ng kape. Nang malaman kasi si Zhino ang plano ko ay pilit nya akong hinila para may ideya daw ako sa loob ng isang cafe. Hindi naman ako nagsisi dahil mas lalo akong ginanahan para abutin ang pangarap ko.

Ngayon kami ihahatid nila Mama kila Lola. Tuwing bakasyon ay nandon kami. Pero sa tingin ko hindi lang yon ang dahilan para dalhin kami don ngayon. May narinig ako na hindi ko na dapat narinig pa.

Nasa sasakyan na kami papunta kila Lola. Mama yon ni Papa. Wala na si Lolo dahil sumakabilang buhay na ito. Tanging si Lola at iba ko pang pinsan ang kasama nya.

The worst is. Ang mga pinsan kong yon ang may galit sakin. Nilipat sila dito dahil hindi sila malagaan ng mga magulang nila. Their parents are busy. Parang hangin lang sila sa mga magulang nila. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganun ang ugali nila.

Natulog ang mga kapatid ko sa buong byahe. Malayo kasi yon mula sa bahay namin. Ang bahay ni Lola ay literal na mansion. Napakalaki non. Mayaman ang side nila Papa. Pero ayaw na ayaw ni Papa ang humingi sa mga ito.

Ilang oras ang nakalipas ay huminto na ang sasakyan. Ginising ko na ang mga kapatid ko. Nang makababa ay bumungad samin ang malawak na garden. Puno iyon ng mga bulaklak at malawak na bermuda grass. Ang bahay ay may apat na palapag.

"Mag mano kayo sa Lola n'yo." Saad ni Papa.

Lumapit kami ng mga kapatid ko at niyakap ito.

"Kamusta kayo mga apo? Lumalaki na kayo." Saad ni Lola Louisa.

Lola is beautiful. She have a white skin. At bumagay sakaniya ang buhok nitong kulay brown. Naglalakad kami papasok ng bahay. Kinakausap kami nito habang nakaakbay samin.

Nang pumasok kami ay nasa sala ang mga pinsan namin. I never see them as my family. Kung titingnan ko mga ito ay parang isang bagay lang para sa akin. I turned into a cold person when I see them.

Naiwan sa baba ang mga kapatid ko at sila Mama. Si Lola naman ay hinatid ako sa magiging kwarto namin ng mga kapatid ko. Ayaw nilang tig iisang kwarto dahil natatakot sila.

Biglang panganay wag kang magpapakita ng takot pag kasama mo sila dahil mas natatakot sila. Pero minsan ako mismo ang nananakot sa kanila. My way to express my love to them.

Umupo ako sa kama. Habang si Lola naman ay nakatayo sa harap ko. Tumikhim ito kaya lalo akong napayuko.

"Agathi, apo. Alam ko ang tungkol sayo at namamagitan sa inyong magpipinsan. Hindi kita pinipilit na patawarin sila. Pero laging mong tatandaan, kahit na masakit ang ginawa nila sayo ay huwag mong kalimutan na magpatawad." Mahabang sabi ni Lola.

Nakayuko parin ako. "Kahit kailan po Lola. Hindi ko sila narinig na humingi ng patawad." Mahinang sabi ko.

Umupo si Lola sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. Himinga ito ng malalim.

"Minsan hindi mo kailangan pang marinig ang mga salita nayon bago ka magpatawad." Niyakap ako nito. "Pero alam kong mahirap ang mag patawad. Lalo na kung ayaw nila 'yong hingiin. Parang sinabi na din nila na, nararapat lang iyon sayo."

Inayos ko ang upo ko at tumingin ako sa mga mata ni Lola. "Alam ko pong maliit lang yon para sa iba pero para po sakin hindi. Mahirap pong makatangap ng mga ganong salita. At ang masakit pa ay galing pa mismo sa pamilya mo." Saad ko at may mga patak na ng luha ang pisngi ko.

Pinahid iyon ni Lola. "Naiintindihan kita, Apo. Pero wag mong kalimutan na may pamilya ka pang sasamahan ka hanggang sa huli." Ngiting saad ni Lola.

Tumango ako tahimik syang niyakap. Ilang sandali ay nakatulog ako.

Pagkagising ko ay bumaba agad ako. Bumungad sakin ang magulong sala. Ang mga pinsan ko ay nagbubulungan. Samantalang ang dalawang tao na hindi ko inaasahan. Katabi nila si Lola habang masayang nagtatawanan.

Ngumiti ako at dinaanan lang sila. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Grabe ka naman! Pinapalayas mo agad kami?" Tanong ni Zhino habang kumakain ng ubas.

Nilingon ko si Cashel na kumakain din ng prutas. Tumawa kami at niyakap ang isa't isa.

"Sinundan ka lang namin. Alam mo na, kasama mo ang mga pinsan mo dito. Baka apihin ka nila!" Si Zhino.

"Nandito din kami dahil wala kaming plano ngayong bakasyon." Si Cashel.

Tumango tango ako. "Hindi naman nila ako maaapi." Saad ko.

Umupo kami sa upuan. Nasa dining table kami. Nag uusap kami habang kumakain ng prutas na nasa gitna ng lamesa.

"Alam namin yon. Pero minsan kasi sa pag iwas mo sakanila. Mas lalo silang lumalapit sayo." Si Zhino.

"Zhin, pareho ang turing namin sa isa't isa. Hangin lang." Sagot ko. At kumuha ng mansanas. Hinugasan ko yon sa lababo.

"So, anong plano mo dito?" Tanong ni Cashel at kumagat ng mansanas na hawak ko.

Hinayaan ko na lang sya at nagsalita. "Try nating libutin ang lugar? Mag camping tayo!" Suhestiyon ko.

Pumalakpak si Zhino. "Tama girl! Tapos ligo tayong dagat!"

Binato ni Cashel si Zhino ng ubas. "Walang dagat sa gubat." Singhal nito.

"Sinabi ko bang maliligo tayo sa gubat? Malamang sa ibang araw natin gagawin. Baliw to." Umirap pa ito sa ere.

Napailing nalang ako. Ayos lang na hindi ko kasama ang mga kapatid ko dahil safe sila sa side ni Lola. They can't harm them. Bumalik kami sa sala. Wala na sila don at mga kapatid ko. Tanging mga pinsan ko na lamang ang nandon.

Akmang lalabas kami ng bahay nang may marinig akong bulungan.

"Ang landi talaga ng babaeng yan."

"Agree! Dadalawa pa ang lalaki."

"Hindi na ako magtataka kung maaga yang mabuntis." Bulong ng lalaki kong pinsan.

"Ewan ko nalang kung mismo si Lola na ang mag takwil sa kanya." May kasunod pa iyong tawa.

Mahigpit ang hawak ng dalawa sakin. Pinipigilan nila ako sa gagawin ko. Huminga ako nang malalim at nakangiting humarap sa mga pinsan ko. Ngumiti din ang mga g*go sakin.

Marahas kong binawi ang mga braso ko sa mga kaibigan ko. Lumingon ako sa kanila at ngumiti. "Hindi ko sila kakagatin." Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Kita ko sa kanila ang pag aalangan. Humarap ako sa mga pinsan ko. Nakaupo sila sa mahabang sofa. Magkakasunod sunod. Isa isa ko silang tinitigan sa mga mata nila.

Isang ngisi ang sumilay sa aking labi. Ang kaninang mapanghusgang tingin ay takot na ang makikita ngayon. Isang malalakas na sampal ang ginawad ko sa kanilang apat.

Mabilis na pumunta ang mga kaibigan ko sakin. Nakahawak na ang mga kamay nila sa mga pisngi nila. Halo halong emosyon ang makikita sa mga mata nila.

Galit, takot at mga emosyong sila lamang ang nakakapag palabas non pag ako ang kaharap nila.

"Alam n'yo na ang gagawim n'yo. Hindi ko naman sinasabi na manatiling tikom ang marurumi nyong bibig. Pero alam nyo na ang mangyayari sa inyo." Mahinang sabi ko.

Tumalikod ako sa kanila. Nanatiling nakahawak sakin ang mga kaibigan ko.

"Hindi kayo humingi ng patawad ko. At patuloy nyo parin akong sinisiraan. Ayaw ko namang kawawain n'yo ako. Kaya sa bawat bitaw na masasamang salita n'yo sakin. Hindi lang sampal ang igagawad ko sa pagmumukha n'yo." Madiing saad ko. At lumabas ng bahay.


•-•

Xyluren

Your Golden HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon