DCT 2; With My Crush

31 1 0
                                    

YUMI's

- FLASHBACK, 9 months ago -

Abala ako sa pagluluto ng pumasok si Mei dito sa kusina, nagtimpla lang siya ng kape at naupo. Nakatutok lang siya sa cellphone niya. "Ginagawa mo Mei?"

Ang ingay kase ng cellphone niya. "Nanunuod." Nanunuod? Eh paulit-ulit lang naman ang naririnig ko. "Nang ano?" Tanong ko sa kanya. "Tiktok insan." Tiktok?

"Tiktok? Ano namang meron dyan?" Puno ng kyuryusidad na tanong ko sa kanya, lagi ko rin kaseng nababasa 'yon sa newsfeed ko e. "Ang Manang mo talaga Yumi. Halika dito dali."

Pinatay ko ang kalan since tapos na ako magluto at lumapit sa kanya. "Kailan pa nauso yan?" Tanong ko pa ulit. "Yumi, puro anime kase ang pinagkakaabalahan mo simula noong maglockdown kaya di mo knows kung ano to." Napaismid nalang ako sa isinagot niya.

Ano magagawa ko e mas gusto kong manuod ng anime kesa sa mga kaek-ekan na meron dyan sa tiktok na 'yan. "Oh." Iniabot niya sa'kin ang cellphone niya.

"Manuod ka dyan, para naman may alam ka. Tapusin ko lang yong activity namin." Tch! Kinuha ko ang cellphone ni Mei at nagsimulang magscroll sa tiktok raw.

Marami akong nakikita na mga videos, may mga sumasayaw, kumakanta at kung anu-ano pa. Hanggang sa lumipas ang isang oras ng may isang video ang tanging nakakuha sa atensyon ko.

Sumasayaw siya. Ang swabe ng galawan niya. Ang expression ng mukha niya ay tumutugma sa bawat galaw ng katawan niya. Tiningnan ko ang pangalan ng nasa video.

(a/n; gusto ko ilagay yong first tiktok video ni idol na napanuod ko kaso ayaw e. Huhuhu)

Rc Silvestre. She's cute, ang ganda niya. Clinick ko ang pangalan niya at napunta ako sa profile niya. Pinafollow pala ni Mei. "Hoy bruha, nandyan ka pa rin? Nawili ka na ba panunuod? Akala ko ba dika interesado?"

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at nagpatuloy sa panunuod ng vids ni RC. This time ang pinapanuod ko ay ang video nya na kumakanta ng Statue. Kinilig naman ako dahil isa 'yon sa mga paborito kong kanta.

Sinilip ni Mei ang ginagawa ko. "Uy, nakita mo pala yan?" Tumango ako sa kanya. "Who is she?" Teka? Anong klaseng tanong ba yon? "Rc Silvestre nga diba?" Inirapan ko si Mei.

Panget rin minsan kausap ang babaeng 'to e. "Cute niya no?" Tumango nalang ako sa kanya. "Let me guess, nakuha niya atensyon mo no?" Muli akong tumango kay Mei. "Sabi na e, alam kog mga katulad ni RC ang tipo mo e. Stalk mo sa facebook dali." Nah. Bakit ko naman gagawin iyon?

- after a day -

Waaahhh finally. Tapos na ang online class ko. Nag open na ako ng facebook account ko. Namiss ko na magscroll at maghanap ng maiishare na mga post.

Ganon lang naman ang ginagawa ko sa tuwing wala akong magawa. Dahil isa akong dakilang single, kaya walang bebetime, kung hindi ang sharedpost time lang.

"Let me guess, nakuha niya atensyon mo no?" Muli akong tumango kay Mei."Sabi na e, alam kog mga katulad ni RC ang tipo mo e. Stalk mo sa facebook dali."

Err, bakit ko ba naalala yong sinabi ni Mei? Wait, stalk ko kaya siya? Teka, ano nga name non? RC..RC cola? RC. RC. Aja! Nagtype ako sa search bar sa facebook and viola, nahanap ko siya.

Galing ko talaga maghanap sa facebook. RC. RC cola. Then lets call her Cola para unique. Hihi. Una kong tiningnan ang photos niya. Oh my, oh my.

Napakacute niya talaga. Hindi ko alam kung bakit ang lawak ng ngiti ko habang tiningnan ko ang mga litrato niya. Kinikilig rin ako. Hala, Yumi anong nangyayari sayo?

Dream Come True (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon