DCT 3; Statue

24 2 0
                                    



YUMI's pov

Katatapos lang namin kumain ni Cola at busy s'ya sa pagliligpit ng pinagkainan namin.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Kahit sinabihan n'ya ako na mag feel at home hindi ko alam kung paano ko gagawin.

Hello, kayo kaya ang lumagay sa sitwasyon ko. Imagine mo ha, kasama mo 'yong isa sa mga hinahangaan mo sa social media.

Talentadong tao, maraming fans, maraming nagkakandarapa, sige nga paano ka aakto sa harapan n'ya ha?

Pero siguro dahil makapal mukha mo at walang hiya e di gora ka. Opps sorry for my words. Nabasa ko lang 'yan sa facebook kagabi.

"Yumi."

"Ay kalabaw na may pakpak." Dahil sa gulat ko e napatayo pa ako at kung ano pa ang lumabas sa bunganga ko.

Napatanga naman ako nang marinig ko ang napakagandang tawa ni Cola. Parang ang sarap magmura ngayon na harap harapan ko nang naririnig at nakikita kung paano tumawa ang isang RC Silvestre na iniidolo nang napakarami.

Maiinggit kayo, kasama ko na ang crush nating lahat. Charot lang, huwag kayong maiinggit dahil malay mo sa susunod ikaw naman ang maswerteng makasama ni Cola.

Lagi mo lang tatandaan na kahit anong mangyari, huwag na huwag mong hahayaan na manalo ang inggit. Thats bad my dear.

"Yumi, saan makakakita ng kalabaw na may pakpak?"

Natatawa pa ito habang nagtatanong. Pukpukin ko kaya 'to nang isa? Pero syempre joke lang 'yon diko kayang saktan ang future wife ko.

Oh hindi masamang mangarap, parang naman s'ya hindi sinasabing future wife si Cola. Tsk tsk!

"A-ano, sorry. N-nagulat lang ako." My god Yumi, ayan ka na naman sa pag-utal utal mo. Ano 3 years old na bata ka lang?

Ngumiti naman s'ya, naku po! Tama na Cola, baka malaglag panty ko sa kilig. Ganda nang ngiti mo e.

Nakakainlove alam mo ba 'yon?

"Sorry, magugulatin ka pala?" Ay hindi kaya nga ako nagulat diba? "O-oo." Awkward akong ngumiti sa kanya.

"Oo nga pala. Hintayin mo ako dito. Sandali lang." Tumango lang ako sa kanya, s'ya naman ay umalis. I mean may pinasukan s'ya na isang pinto hindi ko alam kung anong meron doon.

Siguro ay kwarto n'ya. Imbes na maupo ay nagdesisyon akong maglakad-lakad sa loob ng bahay ni Cola. Hindi naman ito sobrang laki e. Sakto lang para sa pamilya naming dalawa.

I mean sakto lang para sa kanya. Sa isang glass cabinet na nasa sala ay may mga laman ito sa loob.

Mga kung anu-ano. Sa gitna nito ay may mga picture frames na nandoon. May picture na mag-isa lang si Cola at meron rin na kasama nya ang girlfriend nya.

Sana all nalang talaga may jowa. Pero wala akong paki kung wala ako noon. Ang importante kasama ko si crush ngayon.

Masaya na ako sa ganito. Tamang crush dito, crush doon, crush everywhere. Pero syempre joke lang ulit 'yon.

Loyal ako kay Tina at kay Cola.

Naglakad-lakad pa ako, hanggang sa napadpad ako sa may parang balkonahe sa kaliwang bahagi ng bahay ni Cola.

Sa harapan nito ay may mga halaman na ang ganda ng mga bulaklak. Sana all magaling mag-alaga ng halaman.

Ako kasi kapag nagtatanim ako ng mga halaman, mga isang linggo lang namamatay na sila. Tsk!

Dream Come True (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon