YUMI's pov5 am palang ay gising na ako. Maaga talaga akong nagigising kapag nasa ibang bahay ako.
Isa pa, excited rin ako dahil mamaya ay mag-de-date na kami ni Cola. Excited na ako kung saan kami pupunta at kung ako ang mga gagawin namin.
Alam kong ngayong araw ko nalang makakasama si Cola kaya susulitin ko talaga ang date naming dalawa.
Nanatili pa akong nakahiga. Gising na kaya si Cola? Hmm. Teka, makialam kaya ako sa kusina nya?
Okay lang kaya sa kanya? Pero baka magalit sya e. Sige na nga. Para pag nagising na sya may almusal na syang kakainin.
Pasasalamat ko na rin sa kanya ang gagawin kong pagluto nang almusal. Isa pa ipinagluto nya ako kagabi nang paborito kong ulam e.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at inayos muna ang higaan. Pagkalabas ko nang kwarto, dumeretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
Pagkalabas ko, wala pa si Cola. Baka tulog pa nga 'yon. Pumasok ako nang kusina at chineck kong ano ang pwede kong lutuin.
May natira pa kaming kanin kagabi kaya ipa-fried rice ko nalang 'to. Ano bang kinakain ni Cola sa umaga? Huhu. Idol na crush ko sya pero bakit hindi ko alam ang kinakain nya?
Binuksan ko ang ref at tiningnan ang freezer. May hotdog, may nuggets, may ham, may bacon, may fries, at kung anu-ano pa.
Kumuha nalang ako nang tatlong piraso nang hotdog, bacon at egg. Ito nalang. Total nandito ang mag ito ibig sabihin ay kinakain nya ito pra sa almusal.
Depende nalang kung iba rin ang trip nya at kinakain nya sa lunch or dinner. Nagsimula na akong magluto. At habang nagluluto ako e kinakanta ko sa isip ko ang first song ni Cola na Dream Come True ang title.
Paborito ko na talaga 'yong kantang 'yon matapos kong marinig sa youtube. Ganda e. Alam kong para 'yon sa girlfriend nya. Pero kinikilig ako habang kinakanta nya 'yon e.
Feeling ko ako ang kinakantahan nya noon. HAHAHA!
"I never thought that I would be this happy
Ever since I had you my heart just went crazy
And now that I'm holding you I won't let go of you
I hope you know
You're my dream come true"Cola, you're my dream come true. Oh, kalma. Ibig kong sabihin pangarap kon makita sya at ngayon natupad na ang pangarap kong 'yon at heto sya nakakasama ko kahit sa panandaliang oras lang.
"Hi, good morning Yumi."
Eksaktong katatapos ko lang ayusin ang pagkain sa lamesa nang marinig ko ang boses ni Cola.
Pag-angat ko nang tingin ko, nasa may pintuan pa sya at pupungas-pungas pa. Cute talaga nang isang 'to kahit bagong gising.
Mapapasana-all kana lang talaga 'e. Ganda pa rin kasi. "G-good morning. Sorry, nakialam ako sa kusina mo."
Hingin paumanhin ko na kaagad dahil baka mamaya magalit pa sya. Ngumiti sya sa'kin bago naglakad palapit.
"Okay lang. Salamat Yumi."
BINABASA MO ANG
Dream Come True (gxg)
FanficThis is Roni Charis "RC" M. Silvestre's fan-fic story. Yumi is a 19 years old woman who's secretly supporting her tiktoker crush RC Silvestre. Ano nga ba ang gagawin nya ngayong sya ang napili nito sa contest para makasama sa loob ng 24 hours? And w...