DCT 6; Reality

32 1 0
                                    


YUMI's pov

Yumi, galaw-galaw. Hahayaan mo nalang ba na umalis si Cola nang hindi ka manlang nakakapagpasalamat?

"RC....A-ano..."

Huminto naman sya at humarap sa'kin. Lumakad ako palapit sa kanya. "Yes? May nakalimutan ka ba sa sasakyan?"

Umiling ako sa kanya. "A-ano. Th-thank you." Ito na naman kasi 'e, bakit kinakabahan na naman ako?

"Thank you again for choosing me to be with you 24 hours. Salamat sa pagbibigay sa'kin nang pagkakataon na makasama at makita ka."

Naku po, baka mamaya iba na ang sinasabi ko ah.

"Thank you for letting me feel how to be with you, and how to be treated by RC Silvestre. Thank you for making my dream come true."

Medyo tumungo ako. Nakakahiya.

"Sana, sana hindi lang ito ang pagkakataon para makita at makasama ulit kita. Thank you so much for making me happy."

Parang confession na itong sinasabi ko.

"Being with you for 24 hours makes me like you more and more. I'm looking forward for your next dance videos and songs videos."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa'kin at tila inaabsorb lahat nang sinasabi ko.

Ngumiti ako sa kanya. Matamis na ngiti ang pinakawalan ko, at hindi ako nabigong masuklian nang isa ring matamis na ngiti mula sa kanya.

"I will always be your fan. I love you Cola."

Humakbang si Cola palapit sa'kin habang nakatitig sa mga mata ko. Para akong nabato na naman sa kinatatayuan ko dahil sa paraan ng pagtitig nya.

Nabalik lang ako sa katinuan ko nang maramdaman kong kinabig nya ako at niyakap. Oh my god. Si Cola, niyayakap ako.

"Thank you so much Yumi. Promise, hindi lang ito ang magiging bonding natin. Sa susunod marami na tayong RC fam."

Napangiti naman ako. "Thank you Cola." Humiwalay na sya sa yakap sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Pumasok ka na sa loob."

Tumango-tango ako sa kanya at mabilis syang hinalikan sa pisngi at mabilis na tumakbo pabalik sa may gate. Muli akong humarap sa kanya at kumaway.

"Ingat ka sa pag-uwi Colaaaa, baka sa future ako ang wife mo."

Sigaw ko, kumaway sya pabalik at nakangiti. "Thank you Yumiii."

Pinanuod ko syang sumakay sa kotse nya, kumaway syang muli bago nagdrive paalis. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan nya napabuntong hininga nalang ako.

Sobrang saya ko pero ang muking gigising nang wala si Cola ay naku ayoko nang isipin. Ang importante ay nakita ko na sya.

Nakasama. Nakabonding. Nayakap. Kinantahan at sinayawan nya ako. Nakasabay kumain. Nakadate at nahalikan.

Oh myyyyy! Kinikil-.....

--

"Yumiiiiiii, wake uppppppppp!"

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang malakas na pagsigaw nang pinsan kong si Mei.

"Mei, ano ba? Bakit ka ba nang-gigising ha?" Iritableng tanong ko. Pero wait? Ginising nya ako? Tiningnan ko ang sarili ko. Nasa sofa ako at nakapangbahay. Tiningan ko rin ang orasan na nasa wall.

Dream Come True (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon