DCT 4; Thank you Cola

25 2 0
                                    



YUMI's pov

Staying with her is so much fun. Ang daming nangyayari. Ilang beses na ring kumanta si Cola at sumasayaw rin s'ya.

"Ang galing mo Co- RC. Mag nakakaenjoy kang panuorin nang harap-harapan."

Sa ilang oras na kasama ko s'ya, unti-unti ay nakakapag-adjust ako sa presensya nya. Unti-unti ay nagiging komportable akong kasama sya.

"Salamat." Nakangiting sagot nya sa'kin at naupong muli. Napagod na siguro sya kakasayaw at kakakanta.

Inaaya nya rin akong sumayaw para sa tiktok pero hindi ako marunong kaya pinapanuod ko nalang rin sya.

"Hey Yumi, kung ayaw mong sumayaw. Magduet nalang tayo."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. "A-ano..hmm." Kumunot ang kanyang noo at tumitig sa mga mata ko. Mabilis naman akong umiwas sa mga titig nya.

"Don't tell me nahihiya ka pa rin sa'kin or...?" Tumango-tango ako sa kanya dahil alam ko na ang sunod nyang sasabihin.

Wala akong talent sa pagsayaw at ganoon rin sa pagkanta. Mahilig akong makinig ng music pero hindi ako nabiyayaan ng ganoong talento.

"Hmm." Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakahawak sya sa kanyang baba at tila nag-iisip ng pwede naming gawin.

Pakasalan mo nalang ako Cola, doon hindi kita tatanggihan. Napailing-iling ako sa naiisip ko. Umayos ka Yumi.

"Are you okay?" Mabilis akong tumango sa kanya. Napansin nya pa pala 'yon. Tumingin naman sya sa relong suot nya.

"Alas tres na pala. Magmeryenda tayo." Inaya nya akong pumasok sa loob, sumunod ako sa kanya hanggang sa nakarating kami sa kusina.

"Hmm. What do you want? Juice? Coffe? Or what?" Tinatanong pa ba 'yan Cola? "You." I mumbled.

"Anong sabi mo?" Hala ka Yumi. Nasabi ko ba nang malakas? "S-sabi ko. Ano, c-coffee. O-oo tama. I want coffee."

Bahagya naman syang tumawa bago tunaikod. Cute. "Mahilig ka ba sa kape?" Ay matanong ka rin talaga 'e no?

"Oo." Syempre ako pa ba, mas prepare ko ang kape kesa sa mga softdrinks. At sa pagkakaalam ko e coffee lover rin itong si Cola. Sana pala kape nalang ako para love nya rin ako.

"Anyway." Ay palaka naman oh. Nakakagulat rin 'tong isang to e. "Aside from what you told me earlier. Ano pang reason kung bakit hindi mo sinagot 'yong tanong sa post ko?"

Hmm. 'Yon ba? "Hindi naman kasi ako nag-eexpect e. Halos lahat ng sumagot sa tanong mo mahahaba at sobrang gaganda."

Nakatingin lang sa'kin si Cola kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Kaya hindi na ako sumagot nang kasing haba nang kanila dahil napaka-imposibleng mapansin mo ako."

Bahagya akong ngumiti. "But you're here in front of me. Honestly, nacurious ako sa isinagot mo. HAHAHA!"

So, out of curiousitt kaya pinili nya ako?

"Halos nang sagot nila pare-pareho. Magaganda at mahahaba, pero tanging ang napakatipid mong sagot ang nakakuha nang atensyon ko."

Bakit nga ba mas napansin mo pa ako Cola?

"At isa pa, sa totoo lang. Naging pamilyar na sa'kin ang pangalan mo." Anong ibig nyang sabihin? Paanong pamilyar?

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya na muli na namang ikinangiti nya. "Simple lang, nagrereact at comment ka palagi sa mga post ko."

Dream Come True (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon