DCT 1; Meet My Idol

193 9 0
                                    

Author's Note; PLAGIARISM is a CRIME!!! This is a fan fiction story of Roni Charis "RC" Silvestre. Kung ano man ang nilalaman ng one shot story na 'to ay lahat nang-galing sa sa malawak na isip ng author na nakaabot pa sa planet mars para lang maisulat ang fanfic story na 'to.
— Hindi pa magaling magsulat ang author so bear with it.
— Lahat ng pictures na makikita nyo dito ay may permiso mula kay idol RC. Kaya kalma.
— Gusto ko rin gamitin mga tiktok vids ni idol kaso ayaw gumana e kaya mga pictures nalang..
— This one is also dedicated to all idol rc's fans, sana magustuhan nyo.


YUMI's pov

Tuesady, 15:09 —

"Yumiiiii." Halos mabingi ako sa sigaw ni Mei. Ang bestfriend ko na pinsan ko rin. Dito siya nakatira sa bahay since ako nalang mag-isa. Wala na ang mga magulang ko kaya ganon. Hinayaan naman nila Tita na dito tumira si Mei para may nakakasama raw ako.

"Oh? Makasigaw ka dyan." Iritang sagot ko. Masakit kase ang ulo ko. "Hihi sorry insan. Erm, yong crush mo kase may bagong post. Nakita mo na ba?" Crush ko?

"Si Cola?" Tumango tango siya. "Well, depende nalang kung may iba ka pang crush." Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala no, alam mong loyal ako kay Cola simula noong makilala ko siya."

Oo na ako na sobra kung makapagsabi ng loyal kahit hindi nya ako kilala, e anong magagawa ko simula noong makilala ko sya wala na ako ibang naging crush.

"Anyways, diko pa nakikita yong bago niyang post dahil hindi pa ako nag-oopen ng facebook." Dagdag ko pa, hind ko pa talaga nakikita dahil busy ako kanina kaya wala pa akong time para mag facebook.

"Mag-open ka na dali. Another chance yon cous." Yeah whatever. Kinuha ko ang cellphone kong nakacharge at kaagad na nag-online.

Yong post naman kaagad ni Cola ang nakita ko.

RC Silvestre
45 mins

Good day rc'fams. Binigyan ako ng kaibigan ko ng isang challenge na alam kong ikatutuwa nyong lahat. I thought about it too much, and at the end of the day I accepted it. Natatawa ako na naeexcite rin 'coz my friend called it "24 hours with my Idol" yeah you read it right. Yan talaga yong ginawa niyang title.

Yong mechanics ng game, simpleng simple lang HAHAHA share niyo lang itong post ko then add your own caption by answering my question "Bakit mo ako gustong makasama?"

At huwag kalimutang gamitin ang hashtag na #24hourswithmyidol then paki-public na rin kapag shinare niyo to. Chance niyo na to HAHAHA pipili kami ng maswerteng makakasama ko 3 days simula ngayon :)

Wow. For real? 24 hours with her? As in? Makakasama talaga siya? "Kyaaahhhhhh." Hindi ko napigilan ang tili ko. "The heck Yumi." Iritang sigaw ni Mei. "Omoooo Meiiiii, kinikilig na ako ngayon palang." Saad ko sa kanya.

"Kinikilig amp bakit sure ka bang ikaw ang mapipili niya ha?" Ngumuso naman ako. "Ang sama mo talaga. Minsan supportive ka minsan naman ay ewan ko sayo Mei basta kinikilig na ako ngayon palang."

Hindi naman masamang umasa e. Oo alam kong malabo na mapili ako, pero kahit .01% manlang sana mapansin niya na shinare ko yong post niya.

Lumipas ang mga araw. Lagi kong chinecheck yong post ni Cola. Marami ring nagshishare at umabot na kaagad ng 200+ yong iba nagcocomment nalang hindi na raw sila umaasang mapapansin ni Cola. See? Ang dami na may gustong makita siya ng personal at makasama.

Dream Come True (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon