Chapter 47

317 21 0
                                    

Chapter 47: Fear and Worry

"What's that?" Bungad sa akin ni Danielle pagkasakay niya ng van.

"Sunglasses, obviously," kunwari ay pagtataray ko.

I saw her rolled her eyes.

"I know that. Bakit mo suot yan? May sore eyes ka?"

"Nah, puyat lang,"I lied

"Okay." She shrugged her shoulders.

Truth is my eyes are swollen because of endless crying so I wear sunglasses. Hindi na siya kayang takpan ng concelear dahil sa sobrang pamumugto nito.

When we got there, agad akong napatingin sa entrance, pero wala siya doon gaya ng nakasanayan. Funny how I am disappointed and I expected him to be there, still waiting for me when I was the one who ended what we have, or if ever we had a thing. I sighed.

Pagkarating ng studio, we had a small talk with the trainees habang di pa oras para sa training. We were all laughing and having fun while seated at the floor when Danielle's phone rang.

"Sagutin ko lang to." She excused herself and we nodded.

Nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan. Napahinto lang kami nang mapatingin sa labas ng studio dahil natanaw namin silang lima.

Kaya pala wala siya sa entrance kanina. I thought to myself pero agad ko ring pinagalitan ang sarili ko ng maisip ko iyon.

Huwag nang umasa, masasaktan ka lang!

Our gaze was fixated at them as they made an entrance towards the studio. Nasa unahan si Ken at Josh, behind them was Stell and Sejun at ang nasa huli ay si Justin... kasama si Jane. Napansin din ng mga kasama ko na magkasama sila kaya agad silang nakatanggap ng pang-aasar. The two of them just smiled.

Naupo sila sa lapag at nakisali sa kwentuhan namin. I smiled at Ken and Josh who sit beside me.

"Nasaan si Danielle?" Tanong ni Ken sa akin kaya napahinto ako.

Oo nga pala, hindi pa siya bumabalik simula no'ng may tumawag sa kaniya.

"Umalis siya no'ng may tumawag sa kaniya e, hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik. Hindi niyo ba siya nakita?"

Ken shaked his head. I looked at Josh hoping that he saw her but he just shrugged his shoulders.

Just when I was about to talk, my phone rang. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"It's Danielle! Saguting ko lang to," saad ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin.

"Bilisan mo lang, malapit nang magsimula ang training niyo," paalala ni Josh.

I nodded at him at agad na tumayo at naglakad paalis ng studio. Hindi na ko masyadong lumayo. Siguro naman hindi na nila ko maririnig mula rito.

Wala akong tinatago, I just don't like people eavesdropping, after all we deserve some privacy.

"Camille," bungad ni Danielle pagkasagot ko sa tawag niya. Her voice worried me.

"Nasaan ka?" Alalang tanong ko.

"Umuwi ako. Hindi muna ako makaka-attend sa training ngayon." She seemed like she's panicking.

"Danielle, may nangyari ba?" Bigla akong kinabahan, hindi para sa sarili ko kundi para kay Danielle.

"Camille, 'yong..." narinig ko ang hikbi niya sa kabilang linya. "...'yong bahay namin. Nasusunog." Hindi ko man nakikita pero nasisiguro kong umiiyak siya ngayon.

Once A Vlogger [Fangirl Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon