Chapter 33

789 39 18
                                    

Chapter 33: Hold Hands

We're on the middle of watching the movie. I sipped on my drink pagkatapos ay kumuha ng popcorn ngunit napapitlag ako ng maramdamang may kamay.

I feel like merong boltahe ng kuryente mula sa kamay niya na dumaloy patungo sa mga daliri ko hanggang umabot sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Gahd! Why do Justin has this effect on me?

Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili bago tumingin sa kaniya. Napasulyap ako sa kabilang kamay niya at tama nga ako, ubos na ang popcorn niya kaya yung akin naman yung tinatarget niya. Napabusangot na lamang ako.

"Ang hilig mo talaga sa popCORN no?" Saad ko na pilit hinihinaan ang boses. Baka masita kasi kami.

"Hindi kaya," sagot naman niya ng hindi inaalis ang tingin sa screen.

"Okay, hindi mo nagets."

"Ha? Joke ba yun?"

Napairap na lamang ako sa hangin at imbis na sagutin siya ay iba ang tinanong ko sa kaniya.

"Nakita mo na ba sila?"

"Hindi pa e, ikaw?"

"Hindi din." Napabuntong hininga kami't muli na lamang itinuon ang atensiyon sa palabas.

The movie ended. Pinili naming magpahuli sa paglabas para na rin maabangan sina Josh ngunit naubos na lahat ng tao dito sa loob hindi pa rin namin sila nakikita. Lumabas nalang din kaming dalawa. Habang naglalakad ay may tinawagan si Justin sa phone niya.

"Hello?"

Inilayo yun ni Justin sa tenga niya at niloudspeaker para marinig ko.

"Nasaan na kayo?" Boses yun ni Stell.

"Kayo ang nasaan," saad ko.

"Nasa arcade kami. Ang tagal niyo kasing lumabas kaya nauna na kami sa inyo. Punta nalang kayo dito, bye!" Boses yun ni Josh. Pagkatapos niyang sabihin yun ay pinatay niya ang tawag.

Aba't ang bastos!

"Tara?" Nakangiting yaya sa akin ni Justin. Ngumiti ako pabalik at tumango saka kami sabay na tumakbo.

Marami kaming nakakasalubong na tao sa hallway pero wala kaming pakialam. Basta takbo lang kami ng takbo. We were like kids enjoying and playing.

"Ouch!" Daing ko ng may mabangga ako. Di ko namalayan na may tao palang dadaan sa right side ko dahil sa kakamadali namin. Namalayan ko nalang na nasa sahig na pala ako't nakaupo.

"Oh my God, I am so sorry!" Saad ng babaeng nakabunggo ko.

I looked at her, natumba din pala siya sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo naming dalawa. Pinilit niyang makatayo ganun din ako but I failed, sobrang sakit ng pang upo ko dulot ng pagkabagsak ko sa semento.

"Here, let me help you." Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Nakatayo na pala siya ng di ko namamalayan.

"Salamat," tugon ko bago tanggapin ang kamay niya.

"I'm really sorry, I'm in a hurry kasi. May hinahabol lang ako."

"Ayos lang," sagot ko at ngumiti.

"Camille!" Sigaw ng kung sino.

Napatingin naman ako sa gawing iyon, si Justin pala. Magkasama nga pala kami. Hindi niya siguro napansin kanina na may nakabunggo ako dahil nauuna siya sakin.

Once A Vlogger [Fangirl Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon