Chapter 21

901 52 13
                                    

Chapter 21: The Stay

"Come. M-magbihis na muna kayo," saad ko at nagpatiuna ng maglakad. Sumunod naman sila sa akin.

Dinala ko sila sa isang guest room. Mabuti nalang at may mga damit doon na hindi pa nagagamit, for emergency purposes kagaya ng ngayon.

"Pagkatapos niyo, bumaba nalang kayo para makapagdinner tayo," saad ko.

"Thank you, Camille," wika nila. Ngumiti lamang ako at tuluyan ng umalis sa room na iyon.

"You owe me an explanation," bulong sa akin ni Danielle na sumunod pala sa amin, pagkalabas ko ng room. Agad niya kong hinatak papunta sa kitchen.

Pagkarating sa kitchen ay nadatnan ko ang mga maid na nagluluto. Agad ko namang ipinagpatuloy ang pag aayos ng mga pinamili ko.

"Kindly explain," panimula niya. I sighed.

"I met them earlier, outside the mall," saad ko.

"Nakita mo lang, kaibigan mo na agad?"

Pilit naming hinihinaan ang boses namin dahil mamaya bigla bigla nalang silang sumulpot.

"Look. Hindi ko alam kung bakit nila sinabing kaibigan nila ko. Maybe para papasukin sila ni Kuya Roel? I don't know." Mahabang litanya ko.

"Ay. Akala ko pa naman kaibigan mo na talaga sila," sumimangot siya.

"Alam mo, ang labo mo." She give me a peace sign.

"Pero seryoso, I'm... I feel like I'm dreaming."

"You're not alone."

"Sampalin mo nga ko."

"Ayoko nga! Ikaw sumampal sa sarili mo."

Sinunod niya naman ang sinabi ko, sinampal niya nga yung sarili niya.

"Aray! Potek!"

Jusko po, tong babaeng to.

"Bat mo naman kasi sinampal yung sarili mo?" Tanong ko.

"Sabi mo e."

"Jusko ka," natampal ko na lamang ang noo ko.

"Mama, I don't want to wake up. Owemji! Oh buhos ng ulan, wag ng tumila paaaaaaa," she sang.

"Wag naman."

"Ah Cams, haler? Pag di tumila yung ulan, ibig sabihin nun buong gabi silang nandito!" Nanlalaki ang matang saad niya.

"Baka may practice po sila bukas?" I said sarcastically.

"Eto naman! Porque nakasama mo na sila ng one week," napairap na lamang ako.

Natigil ang pag uusap namin ng dumating silang lima. Sakto namang natapos na din ang niluluto ng mga maid.

"Tara sa dining," aya ko sa kanila. Sumunod naman sila sa akin.

Umupo ako sa pinakadulo, sa tabi ko si Danielle at tumabi sa kaniya si Stell kaya kilig na kilig ang bruha. Char! Katapat ko si Justin, katabi naman niya si Josh which is katapat ni Danielle. Katabi naman ni Josh si Sejun at katabi ni Stell si Ken, na walang katapat. Forever alone na ata ang peg ni Ken, charot!

Nakita ko si Kuya Roel na kasama yung driver kaya tinawag ko sila.

"Kuya Roel, sumabay na po kayo sa amin," ngumiti ako sa kanila.

Wala siyang nagawa kundi ang umupo din kasama yung si kuyang driver na Yuri pala ang pangalan.

Maya maya pa ay kumain na kaming lahat. Tahimik lamang kami sa umpisa ngunit paglaon ay panay na ang kwentuhan nila, nakikisali ako minsan. Si Danielle, wala pa ring kibo. Kumakain lang siya ng tahimik.

Once A Vlogger [Fangirl Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon