Chapter 48

444 31 19
                                    

Chapter 48: Suffocated

Pinabalik ko si Ken sa company because as much as I wanted someone to comfort me, may mga kailangan din siyang gawin. He even insisted to come with me but I was persistent to let him go back to the company. Sumama si Tito sa ambulance kung saan naroon si Danielle, sumakay namin kami sa van ko kasama si Tita at Dandy.

Hindi ako mapakali nang makarating kami doon. I was walking back and forth while biting my nails because of too much nervous and worry. Kinalma ko ang sarili at naupo sa tabi ni Tita at Dandy na kapwa umiiyak din katulad ko. Tito was near the door, waiting for the Doctor to come out.

"I won't forgive myself if something bad will happen to Danielle," said Tita in between her sobs.

"Hindi niyo po kasalanan 'yon, Tita," tugon ko. Umiling iling siya.

"She's too stubborn. Sinabi nang 'wag pumasok dahil delikado pero ginawa pa rin."

I tried to console her. Hinimas himas ko ang balikat niya, she rested her head on my shoulders and cried louder, we cry together.

Naramdaman kong tumigil sa pag-iyak si Tita, pero humihikbi pa rin siya.

"I'm sorry you had to see me on this state," saad niya nang tuluyang alisin ang ulo niya sa balikat ko.

Umiling ako, telling her na wala lang iyon. I noticed the small burns on their skin. Hindi ko iyon napansin kanina dahil sa labis na pag-aalala kay Danielle.

"Tita, kailangan niyo rin pong gamutin," I said and pointed at the burns on her skin and Dandy's.

"No, I'll wait for Danielle. Kailangan ako ng anak ko." She even shook his head so hard, strongly disagreeing.

"Pero Tita you need to—" before I could finish my sentence, the Doctor came out of Danielle's room kaya nalipat ang atensiyon namin sa kaniya. Tita even wiped her tears and quickly stand up para makalapit sa Doctor.

"How's my daughter?" halos sabay na tanong ni Tito at Tita.

"She's fine. She just fainted because the smoke from the fire suffocates her. We already treated her burns, she just needs to rest. Maya maya lang ay magkakamalay na ulit siya," the Doctor said which made us all sigh in relief.

"Thank you, Doc," Tito said, smiling.

"I'll excuse myself now," the Doctor said. He was about to walk away but then I called him so he stopped.

"Could you please take a look at them?" I pointed at Tita and Dandy. "They were from the fire too and they got burns."

"No, I'm totally okay. I need to see my daughter," agad na reklamo ni Tita.

"Ma, 'wag ka nang makulit. Magpagamot ka na, hindi magpapagamot yang si Dandy hangga't hindi ka nagpapagamot. Don't worry about Danielle. The Doctor said she's already fine, besides nandito naman kami ni Camille," sabi naman ni Tito.

Walang nagawa si Tita kundi ang bumuntong hininga at tumango.

"Okay," she said and let the Doctor guide her and Dandy on one of the vacant rooms. Agad naman kaming pumasok ni Tito sa loob nang hindi na namin sila matanaw.

Umupo si Tito sa upuang malapit sa kama ni Danielle, naupo naman ako sa sofa at pinagmasdan siya. We were just quiet inside untill he calls me.

"Camille." Umangat ang tingin ko sa kaniya at inabangan ang susunod na sasabihin niya. "Hindi ba may training ka ngayon? Bumalik ka nalang kaya muna doon?" he said, worry was written on his face. I can't blame him, alam niyang istrikto ang training namin at hindi pa ako nakapagpaalam ng maayos na aalis ako.

Umiling ako para sabihing ayos lang iyon.

"Hindi na po, gusto ko rin pong bantayan si Danielle at hintayin na rin na magising siya," tugon ko.

"Gano'n ba? Pasensya na sa abala."

"Naku, hindi po kayo kailanman magiging abala sa 'kin." I smiled at him and he also smiled at me.

Tito Aldren and Tita Lucy is like already my parents. Mula kasi nang maging kaibigan ko si Danielle ay palagi na akong napapadpad sa kanila so they already know me so well. They even insisted on calling them Mama at Papa pero nahihiya ako kaya Tito at Tita ang tawag ko sa kanila.

Maya maya pa ay dumating na si Tita at Dandy na agad tumabi kay Tito. Nagpaalam naman si Tito na bibili muna ng pagkain para makakain na kami. Saktong pagkaalis niya ay nagring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot at hindi na nag-abala pang lumabas.

"Hello?" bungad ko pagkasagot ng tawag.

"Cams, how's Danielle," boses ni Ken ang bumungad sa akin. I sighed and looked at Danielle before talking.

"She's fine now. Sabi ng Doctor magkakamalay na raw siya maya maya."

"That's good. By the way, I already told teacher Hong about you not being able to attend the training today," he said which made me sigh in relief. I was actually nervous that she'll get mad dahil basta basta nalang akong umalis nang hindi man lang nagpapaalam.

"Thank you."

Nakarinig ako ng isang tunog, mukhang may umagaw sa cellphone ni Ken. Tama nga ako dahil narinig ko ang boses ni Josh.

"Uy Camille, nasaan ka?"

"I'm at the hospital."

"Ano?! Bakit ka nasa hospital? Naaksidente ka ba? Ayos ka lang ba?" Sunod sunod na tanong niya. He even shouted it so kailangan ko pang ilayo ng kunti ang phone dahil sa lakas ng sigaw niya. I laughed while shaking my head.

"Don't worry, I'm okay. Danielle just needs me here," I said and I heard him sigh.

"Si Danielle? Bakit? Anong nangyari kay Danielle?" Boses iyon ni Stell. Naka-loud speaker siguro sila kaya naririnig nilang lahat ang sinasabi ko.

"Hindi ba sinabi ni Ken sa inyo?"

"Kaya pala nawala saglit ang damuhag, alam pala ang nangyari," rinig kong reklamo ni Josh.

"At ginamit pa ang mahal kong motor. Pinahawak ko lang sandali 'yong susi pagbalik ko wala ka na rito," dagdag ni Kuya Keith.

Oo nga pala, motor ang ginamit namin kanina, sa sobrang pag-aalala ko hindi ko naalalang walang motor si Ken.

"Sinabi ko naman sa 'yo pagkabalik ko," rinig kong depensa ni Ken.

"Anyways, what happened to Danielle?" Si Sejun naman ang nagtanong.

"Nasunog ang bahay nila so bumalik siya, she went inside and fainted because too much smoke suffocated her. But she's okay now, no worries," paliwanag ko.

"That's good," I heard him say.

"We gotta go back to training. Have you eaten already?"  Si Josh.

"Uhm, hindi pa."

"Ano? It's almost 1, kumain ka na. Masamang nalilipasan ng gutom," parang tatay na pangaral ni Stell but the way he said it was the sweetest.

"Hmm, bumibili ng pagkain si Tito. Hinihintay lang namin bumalik.

"Balitaan mo kami pag nagising na si Danielle," it was Sejun.

"Hmm, bye."

"Byeee," sabay sabay na paalam nila bago tapusin ang tawag. Napangiti nalang ako.

Ilang minuto lang din ay bumalik si Tito na may dalang pagkain. We eated while waiting for Danielle to wake up.

***

Your votes and comments are highly appreciated :)

Once A Vlogger [Fangirl Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon