Chapter 25

789 45 15
                                    

Chapter 25: Volunteers

"Super excited na koooooo," wika ni Danielle habang nagtatatalon.

"Ang OA, pwede kumalma?" Saad ko naman pero di niya ko pinakingan. Napailing na lamang ako sa inaasta niya.

"Tara na nga," saad ko pa. Tumango naman siya sa akin.

Nagsimula akong maglakad at sumunod naman siya sa akin. Sumakay kaming dalawa sa backseat at sinabi kay Kuya Roel ang address ng pupuntahan namin.

"Fina-follow ka na din ni Pinuno," panimula niya.

"I didn't expect that," sagot ko.

"Si Justin nalang talaga. Napakamalas mo talaga sa bias mo." Umiling iling siya. Inirapan ko na lamang siya.

We arrived at Cuneta. Agad kaming bumaba ng kotse at pumasok sa loob.

"Volunteer's pass po," bungad sa amin ng guard.

"Oh right!"

Kinuha ko sa bag ang Volunteer's pass ko, ganun din naman si Danielle. Ipinakita namin iyon sa kaniya. Binigyan niya kami ng manipis na rectangular object. It was laminated and has an ID lace. It was a volunteer's ID. Kinuha namin iyon sa kaniya, ngumiti at nagpasalamat. Pagkatapos ay pumasok na kami ng tuluyan.

Dumiretso kami sa backstage. Nang makarating kami ay may mga volunteers na din na nandun. Nginitian nila kami. Lumapit kami ni Danielle sa kanila at nakipagkwentuhan sandali.

Maya maya pa'y nakumpleto na kami. I wonder where the boys are? Hindi ko kasi sila nakikita dito. Pero may naririnig akong ingay sa stage, siguro ay sila iyon at nagpa-practice na.

"Okay guys, since kumpleto naman na tayo. Pumunta muna tayong stage for a short demo," tugon ni ate Rappl.

We all nodded and then went to the stage. Tama nga ako, nandito nga sila. Pagkapasok kasi namin ay sila ang bumungad sa amin. Todo practice siyempre dahil bukas na ang concert. Narinig ko pa ang impit na tili ng mga kasama ko, pati na ng boys. Halatang pinipigilan ang kilig. Natawa na lamang ako. Well, ako din naman pero medyo nasanay na kasi ako sa presensiya nila kaya nakokontrol ko na ang sarili ko.

Natigil sila sa ginagawa nila ng maramdaman nila ang presensiya namin. Ngumiti sila sa amin. I was about to hide at Danielle's back ngunit nahuli na ako.

"Uy, Camille!" Sigaw ni Josh at kumaway pa. Napatingin din sa akin ang apat at kumaway. Ngumiti na lamang ako at kumaway din.

The stage is wide, the place is wide. Agad na sold out yung tickets. Well, not literally sold kasi libre naman talaga yun. Before Danielle and I became an official volunteers, we already got our ticket so we decided to give it to two A'TIN who we think deserves the ticket. I mean, all A'TIN deserves a ticket pero siguro yung pinili namin ay iyong nasa malayong lugar na hindi pa nagkakaroon ng chance na makita ang boys in person. Sagot ko naman na ang kanilang plane transportation, hotel accommodation and allowance so they have nothing to worry about.

Moving on, pinaupo kami ni ate Rappl sa lapag. Malinis naman siya kaya walang dapat na ikabahala.

"So I will be simply demonstrating what volunteers do for those who didn't know," panimula ni ate Rappl.

"Volunteers helps us, staffs in preparing for this big event, or this concert." Tumango kaming lahat.

"There will be one who will helping the staffs in preparing the stage, the chairs. Bukas, merong maaassign sa entrance and exit and meron sa dressing room, meron ding tutulong sa music."

"Aabutin tayo ng gabi sa pag pe-prepare ngayon but don't worry dahil ihahatid namin kayo if ever man na wala kayong sundo."

"Are we all clear? Do you have any concerns?" Tanong niya.

Once A Vlogger [Fangirl Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon