(A/N: Notebook po ni denise ung nasa right side :) enjoy the UD!)
-Arjay P.O.V-
First day of class at dahil first day maaga ako pumasok. Nadatnan ko sa classroom yung mga tawanan at naguumapaw na boses ng mga kaibigan ko. Syempre nakisali na din ako.
“Anu pinagtatawanan niyo?” Tanong ko kay Lee one of my friends.
“ Si tine kase laughtrip yung mukha.” Tignan mo tong si Lee si tine nanaman ang pinagdedeskitahan. Baka sila ang magkatuluyan niyan. :)))))
Tapos meron babaeng pumasok sa room namin. Hindi familiar yung mukha niya pero sabagay sa dami ng estudyante dito malamng hindi ko na siya maalala. Cute siya.
SUS! May pakaway-kaway pa tapos todo ngiti. O.A parang isang dekada silang hindi nagkita ng friends niya eh 2weeks lang naman yung bakasyon.
Pinagmasdan ko lang kung anu yung ginagawa niya tapos medyo kinakausap ko si Lee para hindi mapansin na tinitignan ko siya. Pero bigla siyang sumalampak sa desk niya. Tapos buong oras lang siyang natulog.
Puyat ba to? Siguro may raket to sa gabi. G.R.O ? Hahahaha! Joke. kakaiba siya ah bago pumasok energetic tapos umupo then natulog? Nakaka-LOKO.
Natapos ang isang oras naming klase. Di ko na tinuon yung atensyon ko sakanya. Nakinig na lang ako sa prof.
After class. Break muna mga two hours. Kasama ko mga friends ko sina tine, lee, jasmine, arlo, at angelica.
Kumain muna kami ng lunch tapos nagkwentuhan sa freedom park.
Out of nowhere nagsalita bigla si lee about dun sa babae kong kaklase na nakaka-LOKO.
“Guys alam niyo ba si denise dapat liligawan ko kaso suplada saka mukhang ayaw saken kase nagging kaklase ko siya sa P.E tapos pinahiram ko siya ng panyo kase pawis na pawis siya pinang-pupunas lang niya yung kamay niya tapos tinanggihan niya ako at inirapan.”
So Denise pala name niya. I find her interesting kase sa lahat ng inofferan ni lee siya lang yung tumanggi. Kase may itsura naman si lee and matalino kaya marami din nagkakagusto sa kanya pero kakaiba si denise ah. Suplada. :)))))))
“Haha arte niya kung ako yun kukunin ko tapos hindi ko na ibabalik” pag-sagot naman ni Tine. Obvious naman na may gusto tong si tine kay lee. Si lee naman manhid. Punyemas. Pero sure ako sa isa’t isa rin ang bagsak ng mga to.
Lumipas ang mga oras na puro kwentuhan at tawanan kami. Hindi naming napansin na ma-Late na pala kame kaya ayun naghagdan kame. 4th floor lang naman hindi na mahirap akyatin yun.
Pag pasok naming ng room nandun na si mam tapos kami naghanap ng upuan kung saan tabi-tabi kame. Nag-discuss si mam at ako nakikinig lang. Nang biglang natanung si mam. At nagtawag ng estudyanteng sasagot i heard the surname ‘Ortega’. At nagulat ako si denise pala yun.
“Ms Ortega what is the connection between host server and client server? Kindly demonstrate here infront? – Prof Guerrero
Boom! Mukhang hindi niya alam yung sagot. Siguro hindi to nakikinig. Hahaha. Epic napa-Lechugas pa siya.
“Mam I don’t know the answer” Sabi na eh.
“ Who wants to help Ms. Ortega?” At bigla ako nagtaas ng kamay. Papakitaan ko tong isang toh.
“MAM!” At yun nasagutan ko ng tama. Tapos napatingin ako kay denise nakatingin sken mukhang amaze na amaze.
Simula nun madalas nakong napapatingin sa direksyon ni denise pa-minsan minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin at biglang iiwas ng tingin. Pero hindi ko na lang pinapansin.
BINABASA MO ANG
Just shutUP and love ME!
Teen FictionHow can you stop expecting when motif is already given? This is a story of acceptance, forgiveness and love. A story which will give you courage to fight when you're about to surrender. Just shutUP and love ME! My first ever story hope you'll like i...