Chapter nine - Another problem.

65 1 0
                                    

- Denise P.O.V - 

Nagmadali ako umuwi ng bahay may sasabihin daw kasi si Mama. Anu naman kaya yun. Tinext na ako pina-ringan pa ako. 

Parang kinakabahan ako. Pagkaauwi ko nakita ko don si mama at papa sa may sala. Nag-uusap ng masinsinan. I want to crack some joke. Pero mukhang hindyu yung tamang oras para gawin ko yun.

" Ai anak nandian ka na pala " Pagsira ni papa ng silent athmosphere.

Agad kong hinubad yung sapatos ko at naki-upo sa sala. 

" Anak may sasabihin kami ng papa mo sayo.." 

" Ano po yun pa.. ma? "

" Baka hindi ka na namin mapag-aral sa FEU-EAC"

" bakit naman ma? " Hindi puwede to.. Konti na lang.. Konti na lang matatapos na ako. Takte :((((

" Papa mo kasi nagkaroon ng problema sa trabaho niya. " 

" Ma pwede naman po ako mag-working student para makatulong .. Ay..ayoko mag-stop" Maluha-luha kong sabi kay mama.

" Hindi ka naman mag-stop anak... Lilipat ka lang ng school."

" Ayoko din ma. Hindi ma-credit yung iba kong subject or worse baka balik first year ako. "

" Anak sana maintindihan mo.."

" Pero ma. Gagawa ako ng paraan. " At bigla akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Dun nagsimula tumulo ang luha ko. Ayoko lumipat.. Ayoko. 

Umakyat si mama sa kwarto ko at kumatok pero hindi ko na siya pinansin kunwari natutulog ako. Hindi ko rin siya pinag-buksan. Nakaramdam ako ng gutom hindi pa ako nag-hahapunan.

Kinuha ko yung oreo sa cabinet ko. Buti may stock pa ako ng food kung sakaling sumpungin ako ng gutom o kaya gusto ko lang ng midnight snack.

Umiiyak ako habang kumakain. Napagdesiyunan kong i-GM sa mga kabarkada ko yung sinabi ni mama. Agad silang nagtext. Group skype daw.

Kinuha ko yung laptop ko at binuksan ang skype. Ol na agad sila. Mga natataranta. 

At ayun kinuwento ko sa kanila yung nangyri. Puro sila kalokohan. Bibigyan na lang daw nila ako ng T.G.I.S scholarship 100%.. Puro tawanan lang ginawa namin sa skype. Kaya masarap sila kausap eh. Kung kailan mo sila kelngan lagi silang nandyan.

Maya-maya eh nakaramdam ng sila ng pagka-antok. At nagsimula na kaming ma-goodnight sa isa't isa. Hindi pa ako inaantok. Bigla nag vibrate cellphone ko. Pero hindi ko pinansin. Tapos nag-vibrate uli yung cp ko.

Tinignan ko kung sinu yung nag-text. SI..si..

Arjay at saka si Mark.Napangiti ako pero agad ko din binawi. Nag-goodnight lang naman sila. SIguro Gm lang yun. Pinadaan lang sakin.

Nakatulog ako ng may luha sa mata ko.. BAHALA na...

Nagising ako dahil sa isang pangit na bangungot. Pinipilit kong alalahanin yung buod scene kaso ang naalala ko lang eh. Hindi na ako sa feu nag-aaral :(((

Hays. Nagdasal ako. sana naman nd ako mawala sa feu. Jusko. Nagmadali na ako pumasok sa school. Ayokong ma-late simula ngayon magsisipag na ako. Para makapag-scholar ako. Para kahit papaano eh bumaba yung tuition ko.

Bago ako pumasok bumili ako ng dyaryo para maghanap ng trabaho. San kaya ako makakakuha ng trabaho na kikita akong 40k. Habang papasok ako binabasa at naghahanap ako. Sa kasamaang palad wala akong nakita.

Hayss hindi ko na alam. Gagawin ko...

Lakad lang ako ng lakadd....

Nakayuko at nagiisip..

Just shutUP and love ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon