(A/N: Kotse ni Mark on the right side. Vote,Comment po :) )
" May PUSAAAAAA!" Sa lakas ng pagkakasabi ko bigla niya pinreno yung sasakyan buti na lang may seatbelt at hindi ako nauntog.
" Kala ko kung ano na. Muntik na yun ah" - Mark.
" Wag kasi sa akin ang tingin sa daanan. Mukha bang mapa ba tong mukha ko?" Hingal kong sabi.
" Haha Sorry na. Ay ayan malapit na tayo 5mins. "
Nakarating na kami sa Jollibee.
Joke haha. Nasa isang italian restaurant kami 'Cucina Cuisine' yung name ng restaurant. Maganda at eligante ang dating ng restaurant.
May nag-assist samin na waiter. Binigyan niya kami ng table for two. At iniabot samin yung Menu.
Walang baba sa 300 ang isang order ng carbonara dito. Ewan carbonara ba yun may dahon tapos may bulaklak? Tinanong ako ni mark kung ano o-orderin ko.
" Anu gusto mo? " - Mark. Nakatingin sakin habang ako eh nakatingin sa Menu. Pinagmamasadan ko mabuti. Puro pizza and pasta lang naman dito.
Pinili ko ung pinakamura. At dahil wala akong makitang mura. Hinayaan kona siyang mamili.
'' Ikaw na bahala. Kahit anu. " Napatingin ako sa mata niya. Shet lang ang ganda talaga ng mata niya. At bago ako madala ng kalandian ko iniwas ko na kagad yung mata ko sa kanya.
" 2 chicken soup for appetizer and ahmm... 2 Bucatini with Brussels Sprouts, Sausage & Gorgonzola Cheese for main course and 2 Basila Panna Cotta with Macerated Strawberries for dessert. thats all" -Mark
Ang dami naman niyang inorder saka ang haba ng name nung pagkain siguro isang bowl yun tapos nilagay na sa menu yung mga sangkap. Mukhang masarap naman lahat ng nabanggit niya. Kaya Go lang ako at wala akong karapatan mag-inarte nuh. Libre eh!
" And for the drinks sir ? "
" 2 Fresh Mango " Anu ba yan. Tubig lang pede na eh. Bahala siya, siya naman mag babayad.
Umalis na yung waiter.
Namayagpag ang awkward silence. Walang nagsasalita at walang umiimik. Wala akong ma-iopen na topic...
ahmmm...
Ano ba?....
Ah!
"Mar-"
"Deni-"
" Okay you go first" - Mark.
" Anu nga pala course mo?" Ay anu ba yan sa dinami-dami ng pedeng itanong bat yun pa. Shemay! Bahala na si batman. Basta ayoko ng tahimik sana man lang may banda dito.
" Civil Engr '' Nakatingin lang siya sakin. Nako nakakailang yung tingin niya.
" Ah." Sabi ko.
"Ah den-"
"Mark-"
" Ok sge mauna kana." Sabi niya.
" Ilang taon kana?"
"17"
" ah. "
" Pwede na ako magtanong? " Ayy ou nga hind ko siya nabigyan ng pagkakataon magtanong. Nauunahan ko kase lage eh.
"Wag lang sa math. Osge Go."
" Nagka-Boyfriend ka na? Kung Oo ilan? " Yan yung tanong niya kanina eh. Well its time to answer that question.
" Nope. Wala pa. Parang coke... ZERO. Empty. Na-UH! " kawawa ako nuh? Eh walang nagmamahal eh. Hindi naman ako maselan o pihikan. Sa walang nagkakagusto sakin. Anung magagawa ko?
BINABASA MO ANG
Just shutUP and love ME!
Teen FictionHow can you stop expecting when motif is already given? This is a story of acceptance, forgiveness and love. A story which will give you courage to fight when you're about to surrender. Just shutUP and love ME! My first ever story hope you'll like i...