Arjay's P.O.V
Nandito ako ngayon sa harap ng ladie's comfort room. Inaantay ko lang naman lumabas si Denise. Nakakainis siya. Iniwan ko lang siya sa sofa. Tapos umuwi? Hindi man lang ako inantay. Sabi ko pa naman sa mga magulang niya ako maghahatid sa kanya.
Ang tagal naman niyang lumabas. Dumumi ata yun eh. Kala hindi ko napapansin na iniilagan niya ako.
Biglang bumukas ang pintuan ng ladie'scomfort room. Mukhang nagulat siya salubong kasi ang kilay ko. Nung nakita niya ako. Alam na siguro niya na naiinis ako pero imbis na kausapin ako o tanungin nilagpasan niya lang ako.
Dumiretso siya sa drinking fountain. Didiretso na sana siya ng room pero nagmadali ako at hinatak ko siya. Dinala ko siya sa room na bukas at walang tao.
" Ang sakit ng pagkakahatak mo ah! Anu bang problema mo?" Pasigaw niyang sabi habang hinihimas yung braso niya.
" Ako pa ngayon ang may problema. Sinu kaya ang nangiwan sa party? " Inis kong sabi sa kanya.
Hindi naman siya sumasagot. Patuloy pa rin ang paghimas niya sa braso niya. Sobrang sakit ba nung pagkaka-hatak ko? Parang hindi naman eh!
Tumayos siya sa pagkakaupo at akmang lalabas. Piniphit niya na yung doorknob pero pinigiln ko siya. at nagsalita..
" So iiwasan mo na lang ako? Hindi ba natin aayusin to?"
Tinigil niya yung pag pihit at tumingin sakin. makikita mo sa mata niya ang inis at lungkot.
" Ayusin mo mukha mo.! "
" Ikaw na nga tong nangiwan ... Ikaw pa tong galit? " Ang gulo talaga ng mga babae.
" Alam mo tanga ka! Konti na lang bobo ka na! " Grabe naman tong magsalita.
Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
" Ako nangiwan? O baka ikaw? Pinagantay mo ako ng limang oras sa sofa. At nagsimula ka makipaglanndian sa iba. 12 na ng gabi. Hindi mo man lang naisip na may sinama ka sa party ng nanay mo! Mukha akong tanga don mag-isa. Kaya umuwi na lang ako. At sa sobra mong saya ngayon mo lang ata naalala na may sinama ka pala. At nagsimula ka ng magalit.... Magalit sa maling conclusion."
BINABASA MO ANG
Just shutUP and love ME!
Teen FictionHow can you stop expecting when motif is already given? This is a story of acceptance, forgiveness and love. A story which will give you courage to fight when you're about to surrender. Just shutUP and love ME! My first ever story hope you'll like i...