- Denise P.O.V -
Okay kalma. Ehhhhhh~
Kinikilig ako si Arjay kasi nandito sa harapan ko nakaluhod. May hawak na bulaklak. Tapos nakangiti. Yung ngiting gusto ko lagi makita. Tapos dun sa likod niya mga kaklase kong lalaki, nakatayo May hawak silang mahabang tarpaulin ba yun o cartolina?
May nakasulat na "Sorry na". maganda yung pag-kakagawa hindi lang basta letter na naka-print dun sa papel. May mga designs and emoticons na umiiyak. Sinu ba ang hindi kikiligin dito?
Kinuha ko yung bulaklak tapos tumayo siya tapos kimuha siya ng gitara.
Tapos nagpatugtog at kumanta..
~~~~~
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na
~~~~~
Hindi ko alam marunong pala siyang mag-gitara. Yung boses niya hindi naman pangit. Saktuhan lang. Lalo tuloy ako na-iinlove sa kanya...
Teka? Inlove na nga ba ako sa kanya?
Nagulat ako ng bigla ulit siya lumapit sakin.
" Sorry sa lahat prinsesa. I love you. I always will." Parang mag-Jowa lang na nag-away ang eksena namin dito.
Hindi ko napigilan yung sarili ko at napayakap ako sa kanya. Sobrang higpit na yakap. At niyakap din niya ako. Lahat ng tao na nandun sa Grand stand nagsitilian. Kaya yung ibang taong dumadaan napatingin yung iba napahinto.
" Ibig sabihin ba niyan bati na tayo "
Bigla ako kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. At nag-make-face. Nag-pout naman siya. Ang cute-cute niya. I cant resist. Makakapatay ako ng tao sa kakiligan. Uunahin ko na si Charlotte patayin. Joke. HAHAHAHA
" Ikaw kasi eh~~~ "
" Bakit anu nanaman po ang nagawa ko?" Pagmamaktol niya.
" Walaaaaa. Ou na pinapatawad na kita."
Tapos nagulat ako sumigaw si Charlotte mula sa likod.
"Ok Uwian na!"
" Mauna ka na!" SIgaw ko sa kanya sabay irap. Tapos humarap uli ako kay arjay. Bigla niya ulit ako niyakap.
" Chansing na yan ah" Sabi ko.
Tapos kumalas siya sa pagkakayakap. Ayy ang tanga ko dapat pala niyakap ko na lang din siya. Sayang! Arte ko kasi eh :)))))))
" Oi bat ka namumula may sakit ka ba? Ay baka - "
" Hindi ako namumula. Teka nasaan yung salamin ko? namumula ba ako? " Pinigilan ko siya sa pagsasalita at agad kinuha ko yung salamin sa bulsa ko. Madalas ako may salamin sa bulsa para madali ko makita yung mukha kung maayos pa ba o Haggard na!
BINABASA MO ANG
Just shutUP and love ME!
Teen FictionHow can you stop expecting when motif is already given? This is a story of acceptance, forgiveness and love. A story which will give you courage to fight when you're about to surrender. Just shutUP and love ME! My first ever story hope you'll like i...