Chapter Eleven - Hidden Feelings.

54 0 0
                                    

Mark P.O.V

Tanginis! Bwisit. Bakit kasi sa lahat ng makakasabay ko eh yung taong iniiwasan ko pa? Nakaka-gago nakita ko pa silang nagkikilitiin. Hindi ako nagseselos... Naasar lang ako. Napaka-PDA. Buti na lang kaibigan ko si Denise kung hindi baka sinumbong ko na siya sa Discipline Office.

Last stair buti naman. Nag-INHALE-EXHALE muna ako bago tuluyan umakyat sa 7th. Nakakapagod. GRABE! Hindi naman ako sanay mag-hagdan eh. Kahit ma-late ako hindi ako naghahagdan. Pagkatapos ko magpahinga umakyat na ako.

Buti naman wala pa yung prof. Kaya iniwan ko muna yung bag ko sa upuan tapos lumabas. Uminom muna ako ng tubig sa Drinking Fountain. Pabalik na sana ako ng room kaso may tumawag sakin..

" Markyyy. Yohooo!."

Sa tono pa lang ng boses kilala ko na kung sino yung tumawag sakin. Hindi ko siya nilingon kunwari wala ako narinig. Kinabit ko yung earphone sa tenga ko. Actually hindi yun naka-kabit sa cellphone ko kaya naririnig ko pa rin siyang tinatawag ako. 

" Mark Uiiii! Wooooo! MARK! " Bahala ka sumigaw ka lang dian wala akong naririnig.

" Intayin mo na lang ako sa loob Argh! Kausapin ko lang si markyy" Rinig na rinig ko sinabi niya kay arjay niya. Bakit kaya ARGH? ARGH = ARJ ? Ewan ko ba magulo ang mga babae saka anong pake ko?

Papasok na ako sa room ng may biglang kumalabit sakin..

" Ui " Napalingon ako at tinggal yung earphone ko.

" Problema mo? " Irita kong tanong.

Tapos sumimangot siya. 

" Problema ko? Tinatanong mo ako kung ano problema ko? IKAW anung problema mo? " Pasigaw niyang sabi. Hindi ba napapagod lalamunan nito kakasigaw?

" Wala naman ako problema. Sige na papasok na ako. Baka nag-aatendance na yung prof.." Nag-wave na ako sa kanya pero hindi naka-ngiti.

" Mag-aatendance eh wala pa kayong prof? Iniiwasan mo ba ako? " 

Pero hindi ko na siya sinagot. Pumasok na lang ako room at sumalamapak sa upuan. At natulog. 

Dahil sa haba ng tulog ko hindi ko napansin tapos na pala yung klase. 

" Pre.. Problemado ka ata? Hindi ka naman ganyan ah. Baka mawala scholarship mo niyan. Tulog sa klase. Pinariringgan ka nga ni mam at kinakalabit naman kita. Pero wala eh. Lalim ng tulog mo." 

Sabi sakin ng tropa kong si Luke.

" Ah wala. Napagod lang ako. Naghagdan kasi ako. " Walang emosyon kong sabi sa kanya at humikad ako at nag-inat.

" HAGDAN! " Sigaw niya.

" Problema mo sa hagdan? Sakit sa tenga! Makasigaw tsss. " 

" Hindi ka naman nag-hahagdan eh. Sinung babae ang nakapag-pahagdan sayo? " 

" Ah meron ba? Malate ako kaya naghagdan ako. " Sagot ko sa kanya nasa room pa rin kami. Tinatamad ako lumabas siguro maya-maya na pag nawala na antok ko.

" Eh hindi ka naman naghahagdan kahit ma-late ka eh. " Gulat niyang sabi. Lahat na lang ng sinasabi niya may halong pagtataka.

" Wew. Kain na lang tayo sa Kubo tara.. " 

Sabay kami kumain ni Luke lagi ko naman kasabay tong mokong na to eh. Yung iba naming kabarkada kasi irregular. Tuwing M/T/F lang namin nakakasabay. 

MInsan nag-dodota kami pag walang magawa. Parang gusto ko mag-dota.. Parang ang bigat lang ng pakiramdam ko. Teka... parang hindi naman dota kailngan ko. Anu ba ...

Just shutUP and love ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon