3

4 0 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas at sa mga araw na 'yon ay naging busy ako sa kakalipat ng mga gamit sa pinaglipatan ko. I found a condo that's a little near my shop and it has the greatest view, they also allow pets kaya maganda talaga kasi ako lang naman ang laging nag-aalaga kay Sushi so I really have to take her with me. 


"Is that all?" tanong ni Kuya. 


"Yup," sagot ko naman.


Punong-puno ng pawis ang damit niya, mabuti na lang at may dala siyang extra clothes na nakalagay sa kotse niya. Habang naliligo siya ay nag-order ako ng pagkain, my reward for him because he helped me arranged my furniture. 


Nang makakain ay agad din siyang umalis dahil may kikitain daw siya na kaibigan. I let him go so I can chill and enjoy the rest of the day with Sushi. I watched some series while rubbing Sushi's tummy when suddenly my doorbell rings. Tumayo si Sushi at nauna sa pintuan.


Sinilip ko sa peephole kung sino at napairap nang makita na naman ang pagmumukha ni Samantha. Binuksan ko 'yon at agad siyang nilapitan ni Sushi. Tuwang-tuwa naman ang babae na nakita niya ang aso ko.


"Hello bebe!" she greets her.


"Manggugulo ka na naman ba?" biro ko.


"Oo kasi kakatapos ko lang sa trabaho, grabe sis para kaming ni-raid ng mga bata sa sobrang dami." sabi niya bago umupo ng komportable sa sofa.


"Bakit? ano meron?" curious na tanong ko.


"Mga magkakakilala, na food poison sa birthday party. My gosh! hashtag stressed." natawa ako dahil halatang stressed nga siya.


Inabutan ko siya ng natira namin ni Kuya na pagkain kasi alam 'kong hindi pa siya kumakain. Doctors are always busy that they don't even have the time to eat. Naalala ko noong bago-bago pa lang si Samantha ay talagang nangayayat siya. She's already thin tapos mas lalo pa siyang pumayat.


"Hoy, sabi ko gym tayo bukas," inalog niya ako.


"Huh? Gaga, hindi ba 5 ang pasok mo bukas? Ano yon 3 ako gigising para mag gym? Wag na uy." umiling ako.


"Oo nga pala, sarreh." she raises her hand in a peace sign.


Nang dumilim na ay pilit ko siyang tinulak para umuwi dahil inaantok na ako. Hindi talaga siya nawawalan ng sasabihin, wala manlang pause para huminga. Nagtataka na nga ako kung saan niya nakukuha ang mga kinukwento niya saakin. 


Hinatid ko siya hanggang sa parking dahil hindi daw siya uuwi kapag hindi ko siya sinamahan. I swear this woman is going to be the end of me. I went back up to my floor and almost slipped, hindi ko nakita na basa ang sahig at may nakalagay na sign na 'wet floor'. 


"You should really look where you're going." nagulat ako doon at napa atras kaya mas lalo akong nadulas.


Lalo akong nagulat dahil hindi ako tumama sa sahig at nakita pa ang pagmumukha ng lalaki. Nakahawak siya ng mahigpit sa bewang ko at ako naman ay nakakapit sa mga balikat na sa sobrang takot na malaglag. Kinabahan ako bigla na baka marinig niya yong lakas ng pagtibok ng puso ko kaya agad akong umayos ng tayo.

Before YouWhere stories live. Discover now