"Congrats!" sigaw ni Mommy nang pasukin ko ang bahay.
Nagpasabog pa sila ng confetti noong pumasok ako. Kuya was still wearing his suit and Dad was standing while holding a gift. Nagulat si Sushi dahil sabay-sabay silang lahat sumigaw kaya napatahol siya.
"Thanks guys, Sushi! Baby!" lumapit siya sa'kin at nilaway lawayan ang kamay ko.
They ordered some pizza, chicken and pasta. I already knew that it was my brother who told them. Tinawagan ko kasi siya para ichika yong nangyari sa event kanina.
"You know, you should buy a place na. Anak you're turning 23 next year and you still want to stay here," sabi ni Mommy bago kagatan ang pizza.
I rolled my eyes at her, "Ma, I want to stay here. Malulungkot lang ako kung ako lang din mag-isa sa lilipatan ko."
"Then get a boyfriend. Isama mo na din si Sushi." sagot naman ni Dad.
"Pero syempe papakilala mo muna sa'kin kung papasa." biglang singit ni Kuya.
"You'll just scare him,"
Bakit ba nila ako pinipilit na magkaroon ng boyfriend? Pati si Anissa kinukulit na din ako. Ang hirap kaya maghanap lalo na't lagi akong busy at hindi naman masyado nakakapag-gala.
Pumasok na ako sa kwarto ko nang umuwi na si Kuya, he is currently living in a penthouse near my shop. Doon ako minsan tumutuloy kapag tinatamad na umuwi pero kapag nandoon ang girlfriend niya... pass, huwag na lang. Lumipat siya doon noong nag 19 siya. Napupuyat kasi lagi si Manang sa kaniya dahil madaling araw na siya umuuwi. He was always out partying with his friends.
Dahil sa sinabi ni Mom kanina ay naisipan ko tuloy mag-hanap ng mga pwede 'kong lipatan kapag sinipag na akong lumipat. I was searching for condos, apartments, pati mga lote na pwedeng patayuan na lang ng bahay. Nakakita ako ng lote sa may batangas, maganda ang pwesto pero ang problema lang kasi ay malayo dito.
"Saan sila Dad?" tanong ko kay Manang nang lumabas na ako ng kwarto para kumain ng breakfast.
"May emergency meeting sa Japan, baka daw sa susunod na araw pa sila umuwi." sabi niya sa'kin bago niya ilapag ang pagkain ni Sushi.
I ate quietly and got ready to go and open my shop. I was lucky that I got there right before the rain started to pour. Mukhang galit na galit ang langit dahil ang dilim talaga, it was just 10 in the morning.
Nobody came in until the clock reached 4 pm. Tumayo ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
"Cia! my love!" Samantha, my bestfriend, happily shouts as she walks up to me.
"Ano ba yan, akala ko customer na," niyakap ko siya ng mahigpit.
"Customer nga! I came here kasi I want to buy some paintings, ang boring ng mga pader ko!" she says.
YOU ARE READING
Before You
RomanceWherein Cacianna Eunice Acosta a painter finds out that she has cancer. She chooses not to receive any treatment because she thinks that it'll only make her sickness worse. So her doctor tries to change her mind...