Napapadalas na ang dalaw ni Sam at ni Kuya dito para lang bantayan ako. Sabi ko naman ay hindi ko kailangan ng bantay. I don't even know why i'm still staying here when I made sure that I don't want to get any treatment.
"Oh, nagluto ako ng pumpkin soup.." binuksan ni Sam ang tupperware at inabot sakin na may kasamang kutsara.
"Doc, bakit ako wala..." napangiti ako bago higupin ang sabaw nang magsalita si Reiner.
"Oo, eto na bossing," inabutan siya ni Sam ng isa pang tupperware, tuwang-tuwang tinanggap iyon ng lalaki at binuksan kaagad. "Jusko pati ang kasama palamunin," umirap si Sam ng pabiro binelatan naman siya ni Reiner.
"Sarap ah," sabi ko bago itaas ang kamay para bigyan siya ng thumbs up. "Kailan pala ako pwedeng umalis? Pwede namang pumunta na lang ako dito kapg kailangan ng check up diba? Magastos kasi kapag nag-stay pa ako. Eh hindi naman ako magpapagamot,"
Nag-iba ang mukha ni Sam nang sabihin ko iyon at napangiti ng malungkot,
"I'll ask Wesley..." at nang sabihin niya iyon ay biglang pumasok ang lalaki. Probably to check if I drank my meds. Umubo si Reiner at sinamaan ko siya ng tingin dahil alam 'kong sinadya niya iyon.
"I'm assuming that you haven't drank your meds?" tumango ako at napabuntong hininga ang lalaki.
"Eunice, you have to drink those at exactly 12:30, not past 12:30." dagdag niya, hindi ko na siya kinorek dahil nasanay na akong Eunice ang tawag niya sa'kin. Siya nga lang ang nag-iisang tumatawag sa'kin 'non.
"Okay, sorry." sabi ko bago ubusin na ang sabay at ininom na ang mga gamot. The meds are vitamins and some pain relievers.
Tumayo si Samantha at hinila ang lalaki palabas, hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan nila pero siguro iyon ang request 'kong makalabas na dito. Nasasayang ang mga araw na dapat nakakabenta ako ng mga gawa ko, at hindi ko na din nakikita si Sushi. Sila Dad ay papauwi na ngayon kaya kailangan ko na din umalis para kausapin sila. Ayokong dito dahil nakakahiya kay Reiner.
Tumayo ako para mag-cr at nang makalabas ay nakita 'kong nakaupo si Wesley sa may three seat row chair na nakapwesto sa may labas ng ward na pinag-iistayan ko. Balikan ko na lang siya, ihing-ihi na talaga ako eh.
Pagbalik ko ay nandoon padin siya kaya naupo ako sa dulong side, umubo ako ng malakas at nilingon niya ako.
"Sinabi na ni Sam?" tumango siya bago tumayo. "Uh, wait.."
"You can leave now, just come here once a week so I can monitor you,"
Iyon ang huli niyang sinabi bago naglakad paalis, hmp... ang sungit! Tapos doon sa Leanne niya hindi? Halatang may favoritism ah! Pumasok ako ng ward and nakitang nanonood na ng tv si Reiner.
"Uy, aalis na ako!" masaya 'kong sinabi iyon.
"Weh?!" napangiti din siya.
Inayos ko na ang mga gamit ko at tinext si Kuya na sunduin ako dahil hindi ko naman dala ang kotse ko dito. Lumipas ang dalawang oras at pinayagan na akong umalis ng mga nurse, kinuha ko ang number ni Reiner para kapag bibisitahin ko siya ay masabihan ko kaagad. Bumaba na ako at sinalubong si Kuya, natuwa ako nang makitang nakasakay din si Sushi sa likod.
"Sushi!" sigaw o nang makita ang aso na nagwawala, I missed her so much! Imagine not seeing your pet for almost three weeks!
Dumiretso kami sa condo ko at nilapag ko ang mga damit 'kong madumi sa laundry basket para labhan ko na mamaya. Ayokong itambak pa iyon dahil baka may dumi iyon na galing sa mga taong may sakit. The hospital is dirty and I cannot just let the germs float around my unit.
Tinext ko si Sam na nakauwi na ako para alam niya, baka kasi pumunta pa siya doon sa ward at magulat na wala na ako. Kuya Devin left to get our parents from the airport, I suddenly felt scared to tell them. Sabi ko kay Kuya na sasama sana ako pero ayaw niya dahil baka mapagod lang daw ako. Eh, hindi naman ako tutulong sa pagbubuhat ng mga bagahe?
Nang makalipas ang isang oras ay nakarinig ako ng doorbell kaya inihanda ko na ang sarili ko. I opened my door and welcomed my parents, they hugged me before entering. Pati si Sushi ay sinalubong sila dahil medyo matagal-tagal niya ding hindi sila nakita.
"Mom...Dad," sabay nila akong tinignan nang makaupo sa sofa, kita ko ang lungkot sa mga mata ni Kuya habang nilalaro niya si Sushi. "I have to tell you guys something..."
"Ano 'yon? May boyfriend ka na ba?" mapang-asar na nginitian ako ni Mommy kaya napatawa ako ng kaunti. They really want me to get a boyfriend, huh?
"No, but this is something much more serious.."
"Just say it, Cia." hindi mapakaling sabi sa'kin ni Dad.
"I have cancer, brain tumor, Dad."
YOU ARE READING
Before You
RomanceWherein Cacianna Eunice Acosta a painter finds out that she has cancer. She chooses not to receive any treatment because she thinks that it'll only make her sickness worse. So her doctor tries to change her mind...