Nakasimangot ako habang pinapanood ang lalaki, ang sabi ko ay bumili din siya ng kakainin niya, puro sa akin lang ang dala niya, nakakainis naman! I know I shouldn't be pissed but I just hate it when i'm the only one eating and the other person isn't.
"Busog pa ako," sabi niya at nilabas na ang pagkain sa paper bag para ilapag sa table.
Hindi ko siya pinansin, inabot ko ang remote ng tv at binuksan iyon. Bahala siya! kung hindi siya kakain, edi hindi din ako kakain! Kahit takam na takam na ako sa amoy ng nuggets ay magtitiis ako para mapakain din siya.
Nakita ko siyang napamasahe ng ilong bago inagaw sa'kin ang remote at pinatay ang tv. Pinagkrus ko ang mga braso ko at nakanguso habang binubuksan niya ang pagkain ko. Baby ba ako para asikasuhin?
"Fine, i'll eat with you. So, stop making that face." masungit niyang sinabi sa'kin.
Nagsimula akong kumain at nang makaubos na ng lima ay itinulak ko na ang box sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya ginaya ko din siya. Ang dami niyang binili! tapos papaubos niya sa'kin lahat? I can't! hindi kakayanin ng tiyan ko!
"I eat, you eat. Hati tayo!" sabi ko. Kahit hindi kami close ay pipilitin ko talaga siya. Ayoko lang talaga na ako lang ang kumakain kapag may kasama.
He gave up and started eating the other 5 pieces, hinati ko ang chicken sandwich gamit tinidor na kasama dahil bumili pa siya ng spagheti. Kinain ko ang mas maliit na side at inabot ulit sa kaniya ang kalahati.
"You should be the one eating a lot. Ikaw ang may sakit, hindi ako," sabi niya pagtapos malunok ang nginunguyang nuggets. Ang pogi kahit ang sungit!
"Ikaw naman ang susunod na magkakasakit kapag hindi ka kumakain ng maayos," sagot ko naman sa kaniya.
Mabilis niyang tinapos ang kinakain, iaabot ko pa dapat sa kaniya ang spaghetti dahil hindi ko na iyon kayang kainin pero bigla siyang tumayo at lumabas na ng ward. Luh, wala man lang goodbye?
Tinabi ko na lang sa gilid ang pagkain para kapag bumalik siya ay doon ko na lang ibibigay. Ni hindi ko nga siya nabayaran, siguro ay urgent kaya kinakailangan niya na rin makalabas. Binuksan ko ulit ang tv at nilipat iyon sa hbo. The 5th Wave was on so I ended up watching that. Ang gwapo talaga ni Ben...
Habang nanonood ay may biglang pumasok kaya napalingon ako. Pumasok si Kuya at kasama niya ang girlfriend niya. Nginitian ko sila at binalik ang atensyon sa pinapanood.
"Cellphone mo," nilapag niya iyon sa hita ko.
"Yay! Thanks!" binuksan ko kaagad iyon at nakita ang mga text ni Sam.
Sam:
Hoy nandito ka raw?
Sam:
Anong nangyari?
Sam:
Kakaltukan kita kapag hindi ka nagreply tignan mo!
YOU ARE READING
Before You
RomanceWherein Cacianna Eunice Acosta a painter finds out that she has cancer. She chooses not to receive any treatment because she thinks that it'll only make her sickness worse. So her doctor tries to change her mind...