Entry #5

158 3 0
                                    

Dear Diary,

Nandito ako ngayon sa cottage. Ilang araw na rin kami ditto at nameet ko na yung iba pa nilang friends. And guess what? Kasama ko si Ranz ditto sa cottage

Yung magagaling ko kasing kaibigan hindi ako hinintay -.-

Kasalukuyan na silang nagaala dyesebel ngayon sa pool

“Ahmm, Francine paano mo nga pala nakilala yung kapatid ko?tanong saakin ni Ranz

“Ahh, ano kasi.. Alam mo yung day na nagkabanggaan tayo? Matapos mo ako mabangga, pumunta ako at naupo dun sa malapit na bench tapos bigla na lang lumapit yung sister mo at nagpakilala sa akin. Sabi niya, gusto niya daw ako maging friend. Tapos nalaman pa namin na iisa lang section namin so ayun.”

“What? Kaklase mo siya? Meaning Grade six ka pa lang?”

“Ahh, opo kuya. Bakit po?”

“W-wala lang. Ahm, Hehe marami siguro nanliligaw sayo noh?”

“Hindi noh..”

“Tss, idedeny pa. Lagi kaya kitang nakikita, Halos araw araw may bitbit kang flowers, minsan chocolates, tas meron pang bears.”

Naaawkwardan ako kasi he sounds like a jealous boyfriend. Buti na lang at dumating si Oliver. Yung kasama ni Ranz sa ice cream parlor.

“Hoy panget!” tawag nito saakin.

Oo tama ang nabasa niyo, saakin T___T

“Bakit? MAS Panget?”

“Wala lang.” sabi nito sabay buhat saakin.

“Waaah! Ibaba mo ako!”

*SPLASH!*

“Bakit mo naman ako hinulog sa pool? Di mo man lang kami hinantay na mag-alis ng damit!” Ako

Pero yung mokong jusko -.- tawa lang ng tawa

Ang masama, pati yung ibang kasama naming ditto tumatawa na rin

“Sissy, Baka naman excited lang tong si Oliver na maligo ka?”—Venice

“Ewan ko sa inyo!”—Sabi ko sabay walkout. Haha ang arte ko noh? At dahil nag-walkout ako. Di ko alam kung saan ako pupunta kaya nagpalakadlakad na lang ako. Nang makaramdam ako ng pagod. Naupo muna ako sa ilalim ng isang malaking puno at naglaro ng temple run sa aking iPhone 5c.

Habang busy ako na naglalaro. Bigla ko na lang naramdaman na may umupo sa tabi ko.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh.." sabi ni Oliver

"Che"

“Sorry na please?”

“Ok”

"Ahmm, ano May b-boyfriend k-ka na ba?"

“wala bakit?"

"P-pwede bang.. Ano.." Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang may nagsalita sa di kalayuan..

"Hoy kayong dalawa jan! Bakit nagsosolo kayo ha?"--Tss si Owy lang pala..

"Putspa ka pare! Wrong timming talaga kayo!" *Boinkzz* Haha binato siya ni Oliver ng tsinelas.

"Ehh kasi naman ehh! Sinosolo mo si baby ko.." Sabi ni Cav at saka siya sumimangot.

“Tara na nga lang.. Gutom na ako eh"--Sabi ko.

Habang kumakaen kami.. Hindi ako makakain ng maayos paano ba naman kasi ang kukulit nila. Nakakaasar na. Gutom na Gutom pa naman ako

"uhm Francine tikman mo to oh Barbecue.. Ako nagihaw niyan" Oliver

"Hoy Kuya! Inorder kaya yan! Pano naman mangyayari na ikaw ang nag-ihaw niyan? Cook ka ba sa KFC? mas masarap tong chicken ko oh.. Tikman mo na bilis" Owy

" mas masarap tong porkchop ko. Tignan mo naman yung pinapakain niya sayo na chicken mukhang di masyado naluto. Makakain mo ba yun? Ito na unahin mong kainin" Cav

"Hoy! Mga tatlong ungas, tigilan niyo nga yang si Francine. Di tuloy makakain dahil sa kakulitan niyo.. Hayaan niyo lang siyang kumain ng gusto niyang kainin" Ranz

"Oo nga naman mga kuya.. Kawawa na yung BFF ko oh. Naoawkward na siya dahil sa inyo" Seah

"Tss. Hayaan niyo na lang kasi siyang kumain ng gusto niya.. Francine tikman mo to oh pancit pampahaba ng buhay to" Ranz

"Hayaan pala hah?"--sabay sabay na sabi nila Oliver, Venice, Cav, S=eah, at Owy Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa pagkain.. Gutom na talaga ako ee! (^^)

Diary ni First Love (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon