12

511 15 5
                                    

•••

This is the actual start.

A story of two strangers.

One gentle smile.

One night, unexpectedly.

Lumalakad ako pauwi habang nakikinig ng isa sa mga kanta ng Parokya ni Edgar. Favorite band ko sila mula nung bata ako, kahit ngayong nagtatrabaho na ay sila parin ang pinapakinggan ko.

Grabe, masakit na talaga ang paa ko sa kakalakad. Paano ba naman, nasiraan ako ng kotse kaya wala akong choice kung hindi mag-commute papasok at pauwi ng condo ng mga ilang araw na. Buti na lang at covered ng insurance ko ang bayarin, dahil yari nanaman ako sa gastusin.

Mababa na nga ang sahod, gagastos pa ng malaki!

Ang ganda ng mga bituin ngayong gabi, maliwanag at kumikinang. Napapangiti ako kapag nakakakita ng liwanag, ayoko kasi sa dilim. Tsaka pag nasa dilim, nagiging malungkot ako kaya palagi kong hinahanap ang liwanag. Sa condo ko nga eh, minsan natutulog ako na bukas ang ilaw.

Dumungaw ako sa daan, himala at wala gaanong sasakyan ngayon samantalang maaga pa naman. Wala pa ngang 10 PM, asan na kaya ang mga tao ngayon? Happy Thursday ngayon ah, tinamad gumala?

"Ate ganda, palimos po..." Pasimple akong tinapik nung batang musmos. Nginitian ko siya at binigyan ng limang piso. "Salamat po!"

Sinundan ko siya ng tingin habang tumatakbo ito palayo. Nakakaawa, hindi sila dapat nanlilimos para makakain. Kung bakit naman kasi may mga magulang na pabaya't walang ginawa kundi umanak. Ang batang 'yun ay dapat natutulog ngayong gabi para maaga makapasok sa eskwelahan bukas.

Pansamantala akong huminto't ini-stretch ang isang paa ko na kanina pa nangangalay sa layo ng nilakad ko. Naligaw ako kanina sa sinakyan kong jeep, nalagpasan ko ang babaan kaya heto ako't naglalakad pabalik. Hindi ko first time sumakay, minsan kasi nakakalimutan ko san dapat ako bababa. Hindi na ako sumakay sa ibang jeep or trike kasi baka malagpasan ko nanaman ang condo.

Huminto uli ako at hinawakan ang aking tiyan. Gutom na ako, ang layo ko pa kaso hindi na ata makakahintay ang kalamnan ko. My eyes roamed for a fast food chain, karinderya, sari-sari store, 7-11 and Mini Stop.

Wala.

I'm hearing my stomach grumbling for food. Puro bahay lang ang nandito sa dinaanan ko, pero may ilaw naman kahit papaano. I guess I have to walk until the end of this area, since may napapansin akong mga sasakyan at mas marami ang tao doon.

Mas lumiliwanag na ng onti at sakto may 7-11!

Pumasok ako sa loob para bumili ng pagkain at inumin, nagpasya ako na dito na lang kumain dahil anong oras na, at baka mahimatay na ako sa sobrang gutom pag pinili kong hintayin na makaabot sa condo bago kumain. Pagkaupo ko palang sa bakanteng upuan ay ramdam ko na ang bigat ng katawan sa labis na pagod ngayong araw.

"Oh my gosh, if you only knew!"

Hala siya? Ang arte naman ng boses nu'n. Hmph! Kahit hindi ko nilingon damang-dama ko kaartehan niya tapos ang lakas pa ng boses. Nagpatuloy ako sa pagkain habang nakikinig ng music. Bintana ang kaharap ko kaya malaya kong naoobserbahan ang mga dumadaan.

One Night, UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon