22

570 14 19
                                    

•••

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Nagising ako sa lakas ng sigaw na 'yun but my vision was hazy for me to get up and bother knowing where it came from. I calmly went back to sleep dahil inaantok pa ako't ilang oras pa lang ang tulog. Wala naman kaming pasok ngayon kaya I can wake up late.

Tulog na tulog uli ako nang maramdamang may yumuyugyog sa paahan ko. Binaba ko ng onti ang comforter at kinusot ang mata tapos binigyan ng maliit na ngiti ang nasa harapan ko. Tumayo siya sa harap na parang natataranta, I'm not sure why.

"Ikaw ang sumundo sa akin kagabi mula sa Carragher's?" I chuckled when Jia asked dahil naalala ko nanaman ang mga pinagsasabi niya kaninang madaling araw. Napangiwi ako nang hampasin niya ang paa ko, "Sumagot ka!"

I rose up at nagsandal ng unan sa likod ko, humikab ako't ngumiti ng nakakaloko. "Kiss ko muna cheek mo."

"Tangina mo!" Bulyaw niya at naghalukipkip, "Ano nga?!"

Nagbuntong hininga ako't kinamot ang aking ulo, inaantok pa ako pero imbyernang-imbyerna na siya. "Nabasa mo mga text ko 'no?" Hindi siya sumagot at sumama lalo ang tingin, "Ah, kaya pala nagising ako sa sigaw mo kanina. 'Yung mga ininom mo kasi kagabi puro hard drinks eh. Kita ko sa resibo kagabi pagkabayad. And yes, I picked you up last night."

Jia pursed her lips, and let out a huge sigh. "Sino nagbigay sa'yo ng number ko?!"

I crossed my arms and pouted, "Kiss muna kita sa cheek mo." Pag-uulit ko sa aking sinabi kanina and heard her groan. Humikab ako at umiling, "Hindi ka na nag-thank you, magagalit ka pa. Inikot ko lahat ng Pub para hanapin ka. Buti nadatnan kita sa Carragher's, pagdating ko kasi doon may lalaking lalapit sana sa'yo tas pinigilan nung bartender at sinabihang may naghihintay na kaibigan sa'yo sabay turo niya sa akin. Wasak ka pa sa pinakawasak nung nakita kita, kung hindi ako nakaabot baka nadala ka nung lalaki."

I closely looked at her eyes and noticed a change but her stance remained, nabawasan ng onti ang sama ng tingin niya. Tantsa ko siguro mga .5% dahil sa pangugunsensya ko ng slight. Nanahimik siya ng ilang segundo't magsasalita sana nang unahan ko siya, "Sa sunod na magwawalwal ka, huwag mo kalimutan na ayain ako. Tagal ko na hindi nakainom, buti ka pa."

"M-May mga nasabi ba ako sa'yo nu'n?" Nauutal niyang tanong at tumawa agad ako ng malakas, kung alam niya lang. Lumapit siya sa akin at piningot ang tenga ko, "Umayos ka! Tangina mo!"

Napahawak ako sa tenga ko, tangina ang sakit ng ginawa niya. "Putragis, wala ka bang hangover? Galit ka agad when in fact you're a total waste when I picked you up."

"Just tell me if I said something!" Pamimilit niya. I rolled my eyes, pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko eh. "Sasabihin mo ba?!"

"Gusto mo ba malaman? Pa-kiss muna sa cheeks mo!" Sabi ko't tinaas baba ang kilay ko, sampal sa braso ang binalik niya sa akin. "I love you!"

"Fuck you!" Bulyaw niya at sinampal uli ang braso ko. Inasar ko siya lalo sa tinginan ko't nag-pout palapit sa kanya, she pushed my forehead. "Tangina mo talaga!"

"Jia, kakapakyu mo malapit na akong maniwala na kabaliktaran 'yan ng mahal din kita." I joked and received another slap from her, she slapped my face this time. I got a hold of her hand and pulled close for a kiss on the cheek.

One Night, UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon