67

500 16 4
                                    

•••

"Bea, sagutin mo naman."

Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko sa kakahintay na sumagot si Bea sa tawag. Mula kasi nung may nangyari sa coffee shop dun sa Japan ay naging cold siya sa akin. Nagsisi nga ako na pumayag akong magpaano sa kanya dun at muntik pa kaming mabuking. Talagang iniiwasan niya akong kausapin kahit ngayong nasa Pinas na kami at tawag ako ng tawag maski malabo niyang sagutin.

Medyo tumulo na mga luha ko sa inis dahil miss ko na rin siya. Miss ko na rin marinig ang boses niya. Miss ko na ang buong siya! Hindi ako mapakali tapos ang lungkot ko sa opisina. Halos pakainin na ako nila Mich sa canteen dahil hindi ko ginagalaw ang kutsara't tinidor ko. Hindi nila tinanong ang nangyari and did their best to make me feel better kaso malungkot pa rin akong nakauwi. Sinubukan kong iliwaliw ang sarili sa panunuod ng TV, pagbabasa ng mga libro at paglalakad sa labas pero bumabalik ang lungkot pag nakikita ko pictures niya.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sinubukan ulit i-dial ang number.

Wala pa rin.

"Bea, tangina naman!"

Muntik ko na mabato ang cellphone ko kaya agad akong kumuha ng tubig na maiinom. Nagpasya akong pumasok sa loob ng kwarto at nagpalit ng shirt, sinuot ko ang malaking shirt ni Bea tapos humiga sa kama at niyakap ang unan ko. Napakamot ako sa batok habang tulala, iniisip kung ano ang ginagawa niya ngayon.

Kasama niya kaya si Jho?

Napasinghap ako sa bigla kong inisip tapos nagbuntong hininga. Kinuha ko ang phone sa gilid at muling sumubok.

"Hello?"

Nanlaki ang mata ko. Sumagot siya! Gusto ko na umiyak pero pinigilan ko lang.

"Bea, si Jia 'to." Sabi ko kasi bagong number niya ang tinawagan ko, hiningi ko sa Kuya niya pagkarating sa Pinas last week. "Bea, mag-usap tayo. Pwede ba?"

"Julia..." narinig ko paghinga niya ng malalim sa kabilang linya. "Uhm—"

"Bakit naging cold ka sa akin?" Mabilis kong tinanong dahil gusto ko na malinawan. "I'm sorry, Bea. Kasalanan ko 'yun."

"You are not at fault. This is on me." Malumanay niyang sinabi kaya lumakas ang tibok ng puso ko. "Lumayo ako kasi hindi na mawala sa isip ko ang nangyari dun."

Napakagat ako sa ibabang labi at pansin ko rin na nag-iba ang boses niya, lumalim. Kinabahan ako kasi parang may iba siyang pinaparating at aminado akong hindi ako nakapaghanda kung sakali man.

"Sumasakit nga ulo ko kanina, para akong sasabog. You ran into my mind when my head hurt."

"Sumasakit pa rin ba ulo mo?"

"Medyo."

"Uminom ka ba ng gamot na bigay ni Dr. Cru—?"

"Yeah, may nireseta kasi sa akin—how did... you know?"

"Hindi! Tinanong ko lang at baka parehas gamot mo sa gamot ng fiancée ko. Sabi niya kasi same lang binibigay niya, nagdi-differ lang sa dosage pero sa ibang case ay ibang gamot ang binibigay." Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpakawala ng malaking hininga. Mabilis akong nagsalita nun at hindi ko sigurado kung mauunawaan ni Bea ang palusot ko.

"Haba ng sinabi mo." Tumawa siya ng malakas na nagpangiti sa akin. Sira ulo! Mukha naman akong tanga na kinikilig sa tawa niya! "Wala akong naintindihan, Julia."

"Huwag mo na intindihin, matatanga ka lang." Sinuntok ko ang unan dahil kinikilig ako tapos tawa siya ng tawa. Kala mo joke ang sinabi ko 'no? hindi kaya ni Jhoana Mara—huwag na lang, punyeta! Ibahin ko na nga ang topic at baka saan pa mapunta. "Maiba tayo, anong ginagawa mo ngayon?"

One Night, UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon