•••
I got out of my car and is welcomed by Maddie and Kat looking curiously at the small box that I'm holding. I smiled and waved as I walked near hanggang sa magkatabi na kaming naglalakad papasok sa building. Hindi parin naalis ang tingin nila sa dala ko, Kat moved to my side and closely inspected it.
"Ang aga natin today, pero ano ba 'yang dala mo?" Maddie asked and smirked.
"Food." I answered they both nodded. They grew more curious and I know they will ask me who it is for, "Japanese Cheesecake for—"
"Aha! At ano naman kaya ang chances or possibilities na tatanggapin niya 'yan ng buong puso?" Kat interrupted and crossed her arms as we entered the building.
"Ibinalik nga niya sa'yo 'yung mug na binili mo, pa'no pa 'yan?" Maddie said, napailing siya sa akin.
I sighed, minsan ang harsh ng mga kaibigan ko. "Edi kakainin ko pag binalik, maliit lang naman 'to." Mabilis kong sagot at ngumiti, nahinto kami sa paglalakad nang makitang dumaan si Jia sa harap namin.
Kita ko agad na ngumiti si Kat at Maddie sa akin. Napangiti rin ako, maaga kasi siya ngayon at halos magkasabay pa kaming dumating. Ewan ko kung nakita niya kami kasi dire-diretso lang ang lakad niya.
Ang mahalaga, gumanda ang umaga ko dahil maaasar ko ulit siya.
"Makakasabay ata natin sa elevator." Mahinang bulong ni Kat habang papalapit na kami roon.
May 5 people na naghihintay sa next elevator, kasama na doon si Mich, Ana at Jia. Nagpasya kami nila Mads na tumayo sa likuran nung tatlo. Nagkahinala ako na baka hindi nila alam na andito kami sa likod nila kasi busy mag-usap. Sumenyas ako kina Kat na huwag mag-ingay at sumunod naman sila.
"Uy, diba may Facebook 'yun?" Sambit ni Ana at pasimpleng sinisiko si Jia na umirap lang sa kanya.
"Meron 'yun! Na-search ko nga kagabi." Nakangiting sabi ni Mich habang nakatuon kay Jia ang mata.
"Wala akong pake kung may Facebook, Twitter or Instagram ang taong 'yun. Basta malas siya sa buhay ko!" Walang emosyon na pahayag ni Jia. Sa tono pa lang ay alam ko na ako ang pinag-uusapan, palihim akong ngumisi at ganu'n rin ang ginawa ni Kat at Maddie. Naghalukipkip si Jia sabay taas ng kilay, "Sana absent siya today para makapahinga naman ako sa pagdedelubyo niya sa akin."
Pasimpleng tinampal ni Mich ang braso ni Jia, "Asa ka naman, never pa naging absent 'yun. Napakasipag rin kaya magtrabaho ni De Leon." I automatically smiled at that compliment, may nakakapansin pala ng efforts ko kahit papaano.
"Masipag at masipag rin manggulo." Jia groaned and rolled her eyes, tahimik lang akong nakikinig at inaamoy ang buhok niya. "Ang yabang niya! Sobrang yabang! Ewan ko bakit natanggap sa atin 'yan!"
"Girl, sobra ka naman. Mukha kaya siyang mabait, tsaka ang cute niyo tignan. Siya si Tom tas ikaw naman ang Jerry." Suway ni Ana tapos nakangisi pang dine-describe kaming dalawa ni Jia.
Tumingin si Jia kay Ana na para bang naririndi, "Pwede ba? Huwag kami! Iba na lang i-link niyo sa kanya."
Bumukas ang elevator at naunang pumasok ang dalawang nasa harapan nila. Sumunod ang tatlo tapos humarap, mga nakayuko pa ang ulo. Pumasok na din kami nina Mads dahil malaki pa ang space at nagpasya akong tumayo paharap kay Jia.
BINABASA MO ANG
One Night, Unexpectedly
FanfictionTwo strangers. One misclick. Lives changed forever. Written in Taglish. Warning: This story will contain scenes and dialogues that are not suitable for young readers. Skip if you are underage and/or not interested. Regardless, read at your own risk...