Bagong ikaw

0 0 0
                                    

ewan ko bakit sa isang iglap ko'y ikaw ay nagbago
na para bang ikaw ay hinde na interesado

di na ikaw ang nakilala ko
oo lahat tayo ay nagbabago pero hinde yung ganito

na para bang tila nalayo ang loob mo,
bakit ba palagi mong sinasaktan tong puso ko?

mga bagay na di mo nagagawa noon,
nagagawa mo na ngayon
pati oras mo hindi mo na matuon

kaya mo na akong talikuran,
pati mga problema natin ay kaya mo na rin lagpasan

ang pagtrato mo saken kumpara sa iba
na parang mas masaya ka kausap sila

ano bang pinagkaiba ko sakanila?
sino nga ba talaga ang mas mahalaga?

lagi nalang ako nagmakakaawa
na gawin mo yung mga bagay na gusto ko

di naman malaki yung hinihiling ko pero bat hirap na hirap ka?

ang dami mong ginagawang paraan para makaiwas ka
maliliit na bagay nagiging sensitibo ka

oo mahal kita
pero di sa lahat ng bagay ganyan ka

alam ko malabo na mabago ka pa
pero ayos lang sapagkat mahaba ang aking pasensya
at wala kong ginawa kung hinde patawarin ka

pilit kitang iniintindi na sana
bumalik ka sa kung sino ka at kung pano kita nakilala.

Mga malayang tula na para sa'yo ay nilikha.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon