mga tanong na bakit

0 0 0
                                    

sa dinami raming tanong, ayan pa ang hindi mo kayang sagutin..

na sa akin ay magpapasakit ng damdamin

Alam ko naman sa sarili ko
Na wala akong pagasa sayo

Pilit ko lamang nilalapit ang sarili ko
Sa isang tulad mo

Ako'y inaliw mo ng husto
Na tila para bang lahat ay nasayo

Ako lang naman ang humahadlang
Dahil Siya yung lamang

Eto lamang ako,
Babaeng walang karapatan sayo

Ang tanging karapatan ko lamang ay ang pagiging kaibigan mo,
masasandalan mo sa mga oras na ika'y problemado

dahil kahit kailan di mo ko inangkin na parang ikaw ang may ari,
mas nauna ako pero parang mas nauna siya sa pangyayari

Ako ang unang dumating sa buhay mo
Ngunit siya ang pinili mo,
Na magsilbe sa bawat oras at tibok ng puso mo

Walang ibang nilalaman kundi siya,
ang nagpapangiti at nagpapasaya sayo

At yun ang nagpasakit sakin ng husto

Ng malaman kong siya ang gusto mo at hinde ako
binigyan mo ko ng motibo
at ako'y umasa ng todo

nang dahil dun nasira ang ating pagkakaibigan
At pinalitan ng kahihiyan

Dahil pinahiya ko ang sarili ko
Sa harap ng maraming tao

At sinabing mahal kita
At wala ng hihigit pa

Di man lang ako nakatanggap ng sukli
Na galing sa iyong matatamis na labi

Bakit siya?
Ano ang nakita mo sa kanya na wala ako?
Bakit ako nadudurog ng ganito?

Siguro dahil ako'y uhaw sa pagibig mo
kaya ako ang nabigo sa dulo

dahil masyado akong umasa na magkakaroon ng tayo

di mo man lang sinabe na hanggang kaibigan lang pala ako.

Mga malayang tula na para sa'yo ay nilikha.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon