CHAPTER 2
ღ
Gulat na napatingin kay Gunner si Iker. "Hey, bro. Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong nito."S-sa banyo, kanina pa ako naiihi, eh," dahilan niya.
"O, sige. Bilisan mo lang, ah?" bilin nito sa kaniya.
Tumango lang siya bilang tugon. Pasimple niyang inayos ang suot na polo at pagkatapos ay isinuksok ang kaliwang kamay sa bulsa habang naglalakad papunta sa counter.
Gusto sana niyang hanapin mag-isa ang restroom ngunit minabuti niyang ipagtanong na lang iyon sa bartender para sigurado. Isa pa ay maluwang ang loob ng bar, baka kung saan pa siya mapadpad.
Malapit na siya sa counter nang biglang may tumulak sa kaniya. Hindi sinasadyang nasagi niya ang balikat ng lalaki na katabi ng dalaga.
Sumubsob ito sa countertop at tumama ang magkabila nitong siko. Halos mamilipit ang lalaki sa sobrang sakit. Nang mahimasmasan ay matalim na titig ang ipinukol nito sa kaniya. Nakahanda itong sunggaban siya anumang oras.
Inayos ng lalaki ang suot nitong leather jacket saka siya nilapitan. Nakipagsukatan ito ng tingin sa kaniya ngunit hindi siya nagpatinag. Sa ginawa niya ay mas lalong uminit ang dugo nito.
Walang ano-ano'y kinuwelyuhan siya ng lalaki. Napatingin siya sa direksiyon nina Iker at Arlo na agad namang napatayo sa upuan. Sinenyasan niya ang dalawa na huwag ng lumapit para hindi sila madamay.
Sino ba naman ang hindi ninerbyusin sa ganitong sitwasyon?
Ngayon na nga lang nila nakasama si Gunner para gumimik tapos maiipit pa siya sa matinding gulo. Hindi lang isa kundi walong lalaki na mukhang gangster ang gugulpi sa kaniya kung sakaling patulan niya ang mga ito.
Dinuro siya ng lalaki sa noo. "Ano? Kakasa ka ba?" mayabang nitong tanong.
Nabaling sa kanila ang atensyon ng mga costumer. May mga kumukuha na ng litrato at video ngunit wala ni isa ang may lakas ng loob para umawat. Takot din kasi ang mga ito na masangkot sa gulo.
"Nakita mong may pinopormahan ako rito, nakikiepal ka," singhal nito.
Wala sa bokabolaryo ni Gunner ang manlait ng kapwa ngunit kanina pa niya gustong matawa sa itsura nito. Mukha kasi itong hilaw na Koreano.
Nakaayos paitaas ang magulong buhok nito sa likod. Nagmistulang sapin-sapin ang mahaba nito bangs na tumatakip sa kaliwang mata nito.
Nakakatakot itong tumitig. Idagdag pa ang maitim at makapal nitong eyeliner.
May malalaking kadena na nakasabit sa leather jacket nito. Kaunti na lang ay mapagkakamalan na itong chihuahua— maliit pero matapang.
Naalala tuloy niya ang isang sikat na rocker dahil sa pormahan ng lalaki.
Kung pagbabasehan ang laki ng katawan ay 'di hamak na mas lamang si Gunner. Idagpag pa rito na mas kaaya-aya siyang tingnan kumpara roon sa lalaki.
"Ganiyan ka pala pumorma ng babae, minamanyak mo," pasimpleng banat niya.
Muling naghiyawan ang mga kalalakihan. Nang mapikon ang lalaki ay bigla na lamang siya nitong inambahan ng suntok. Nanatiling kalmado si Gunner, ni hindi man lang siya kumurap.
Akmang susuntukin na siya ngunit mabilis siyang nakailag. Sa kasamaang palad, ang kasamahan nito ang sumalo sa malakas na suntok. Diretso itong napahiga sa sahig.
Tinangka ng dalawang lalaki na hawakan siya sa braso niya ngunit nabigo ang mga ito. Inunahan niya ng suntok sa mukha ang isa at mabilis na sinikmuraan ang kasama nito.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Mr. Bodyguard
РазноеMaldita si Saorsie, palibhasa lumaki na palaging nasusunod ang gusto. Bata pa siya nang maulila sa ina dahil sa pagkasawi nito sa isang aksidente. Sa muling pagtakbo ng kaniyang ama sa eleksyon, mas lalo siyang napalapit sa panganib. Isa sa mga kal...