CHAPTER 6
ღ
Kanina pa nakahalukipkip si Saorsie habang nakasilip sa bintana ng kotse. Kung hindi pa tumawag ang pinsan niyang si Venice, baka kanina pa siya inatake sa puso sa sobrang sama ng loob.Wala naman sana siyang pakialam sa magiging reaksiyon ni Gunner dahil hindi naman siya interesado rito. Ang hindi lang niya matanggap, 'yong tila walang epekto sa binata ang kaniyang presensiya.
Kung ibang lalaki lang ang naroon, tiyak na mabibighani ito sa taglay niyang karisma. Iyon na yata ang pinakaunang beses na binalewala ng isang lalaki ang halos perpekto niyang ganda.
Aminin man niya o hindi, tinamaan ng husto ang kaniyang ego.
Posible kayang hindi ito maaakit sa kaniya kahit pa sabihing, siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?
Iyan ang katanungang naglalaro sa kaniyang isipan ngayon.
Ang hindi niya alam, marespetong tao si Gunner. Mataas ang respeto niya sa mga kababaihan, lalo na sa dalawang babae na importante sa buhay niya- ang kaniyang ina at ang nakababata niyang kapatid.
Para sa kaniya, ang mga babae ay tila mga babasaging gamit na kailangang ingatan at alagaan.
Simula nang mangyari ang kaguluhan sa bar noong gabing nagtagpo ang kanilang mga landas, naging mas maingat na si Gunner sa bawat kilos niya.
Ayaw niyang iparamdam muli sa dalaga ang pambabastos na naranasan nito sa kanilang magkakaibigan. Ultimo pagtitig rito ng matagal ay hindi niya ginagawa.
Kabababa lang ni Saorsie sa tawag nang cell phone naman ni Gunner ang tumunog. Napasulyap siya rito nang sagutin nito iyon.
Napaangat siya ng kilay nang sinadya nitong hinaan ang boses dahilan upang wala siyang maulinigan. Inisip niyang baka nagsusumbong na naman ito sa daddy niya.
As if I care, mataray niyang wika sa isipan. Inirapan na lamang niya si Gunner kahit naman siya nito nakikita.
Bago pa man niya makalimutan ang rason kung bakit tumawag si Venice, inutusan niya ang driver na dumaan muna sa bahay nito bago dumiretso sa venue.
Kamuntik nang tumama ang ulo niya sa bintana ng kotse nang biglang pumreno ang driver ng sasakyan. Bigla kasing sumulpot ang pasuray-suray na lalaki mula sa gilid ng kalsada.
Nagkunwari itong nabangga at nagpagulong-gulong pa sa sahig. Hawak nito sa kaliwang kamay ang isang botse ng alak na kalahati na ang laman.
Binusinahan ng driver ang lalaki ngunit imbes na umalis ay nag-eskandalo pa ito roon. Agad namang bumaba si Gunner sa kotse upang kausapin ito nang mahinahon, ngunit nagulat siya nang nauna pang bumaba sa kaniya si Saorsie.
Dire-diretso itong naglakad palapit sa lalaki at walang ano-anong sinipa ang maselang parte ng katawan nito. Umarko ang katawan nito at napaluhod sa sobrang sakit.
Kahit siya ay napapikit sa nakita. Ramdam niya kung gaano kasakit ang sinapit ng pasaway na lalaki. Imbes na magalit ay naawa na lamang siya sa kalagayan nito.
"Let's go," mariing utos ni Saorsie habang naglalakad pabalik sa kotse.
Napakagat-labi na lamang siya't napailing sa kinatatayuan niya. Alam niyang pumapatol ang dalaga sa mga pasaway at bastos na lalaki ngunit hindi niya inaasahan na aabot sa gano'n ang isang iyon.
•••
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Venice nang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng kanilang bahay.

BINABASA MO ANG
I Hate You, Mr. Bodyguard
SonstigesMaldita si Saorsie, palibhasa lumaki na palaging nasusunod ang gusto. Bata pa siya nang maulila sa ina dahil sa pagkasawi nito sa isang aksidente. Sa muling pagtakbo ng kaniyang ama sa eleksyon, mas lalo siyang napalapit sa panganib. Isa sa mga kal...