CHAPTER 5
ღ
Mabilis na kinuha ni Saorsie ang malinis na panyo sa kamay ni Gunner at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi. Napainom siya sa inorder na Honey Lemon Tea at napamaymay sa sarili pagkatapos.Malamig naman sa loob ng cafeteria ngunit nakapagtatakang bigla siyang pinagpawisan ng malamig.
Napako ang tingin niya sa tissue na hawak ni Venice. Iaabot sana nito sa kaniya iyon kanina ngunit nataranta siya nang dumagsa ang ilang estudyante sa loob. Wala na siyang choice kung 'di ang tanggapin ang panyong inaalok ni Gunner.
Isa pa'y malinis naman iyon. Hula nga niya ay siya ang nakaunang gumamit dahil nangingibabaw pa rito ang mabangong amoy ng fabric conditioner.
Parehong nagsalubong ang kilay nilang magpinsan nang umangat siya ng tingin. Kita sa ekspresyon ng kanilang mukha ang labis na pagtataka.
Kapwa naglalaro sa kanilang isipan ang katanungang, "Paano sila natunton ni Gunner nang ganoon kabilis?"
Nang sumulpot kasi ang binata sa kaniyang tabi kanina, hindi ito kinakitaan man lang ng kaunting pawis sa mukha at wala ring bakas na galing ito sa pakikipagsuntukan. Kalmado lang ang itsura nito, bagay na ikinakaba niya ng kaunti.
Akala kasi niya'y hindi siya agad nito mahahanap dahil hindi pa kabisado ni Gunner ang pasikot-sikot sa campus. Imposible ring magkita sila sa loob lamang ng ilang minuto sa sobrang lawak nito.
Napalitan ng inis ang kabang nararamdaman niya nang mapansin kumpulan ng mga babaeng kanina pa pasilip silip sa kanilang puwesto.
Kakaiba ang ngiti ng mga ito at tila may ideya siya kung bakit. Saka lang niya naalala na nasa tabi lang niya si Gunner, nakatayo at pinagmamasdan silang kumain.
Nagpakawala siya ng pekeng ngiti bago tinapunan ng tingin ang binata. "Gunner?"
"Yes, Ma'am?" agad naman nitong tugon.
"Baka puwedeng maupo ka muna roon." Tinuro niya ang bakanteng silya sa kabilang mesa. "Kumakain pa kasi kami ni Venice, eh. Hindi naman kami mawawala rito," sarkastiko niyang sabi.
Gusto nang matawa ni Venice ng mga sandaling iyon ngunit pinigilan niya ang sarili sa pamamagitan ng pagkagat sa pang-ibabang labi.
Maingat na hinila ni Gunner ang bakanteng silya malapit na inuupan nila. Bale isang silya ang pagitan niya sa magpinsan. Inalok pa niya itong kumain ngunit tumanggi ang binata.
Muli niyang inangat ang baso at uminom ng kaunti roon. Nabaling ang tingin niya sa namumulang kamao ni Gunner. Mas lalo tuloy siyang nakonsensiya. Umiwas siya ng tingin bago pa man may makahuli sa kaniya.
Ilang sandali pa ay nakita niya ang grupo ni Khalid na papasok sa cafeteria. Nagulat pa siya nang mapaatras ang mga ito nang makita si Gunner na nakaupo malapit sa kaniya.
Lahat sila ay may benda sa ulo at braso. Ngunit sa mga iyon, si Khalid lang ang nagulpi nang malala dahil may suot pa itong neck brace at saklay, injured din ang kanan nitong binti.
Nakayuko itong dumaan sa kanilang gilid at ingat na ingat ang bawat isa sa paghakbang. Halos madurog ang carbonara na kanina pa niya pinapaikot-ikot sa tinidor dahil sa gigil niya kay Khalid.

BINABASA MO ANG
I Hate You, Mr. Bodyguard
RastgeleMaldita si Saorsie, palibhasa lumaki na palaging nasusunod ang gusto. Bata pa siya nang maulila sa ina dahil sa pagkasawi nito sa isang aksidente. Sa muling pagtakbo ng kaniyang ama sa eleksyon, mas lalo siyang napalapit sa panganib. Isa sa mga kal...