CHAPTER 7
ღ
Maingay na tunog ng alarm clock ang gumising kay Saorsie kinaumagahan. Kinapa niya ito sa katabing mesa at saka in-off. Pagkatapos ay tumagilid siya ng higa at tumalukbong ng kumot.Nakiramdam muna siya bago iminulat ang kaniyang mga mata. Kadalasan kasi ay kinakatok pa siya ni Serene upang gisingin, ngunit wala siyang narinig na kahit ano sa labas.
Kagyat niyang kinuha ang cell phone sa ilalim ng kaniyang unan upang tiyakin na tumunog iyon sa oras na s-in-et niya kagabi.
Napapikit siya sa pagkadismaya nang makitang alas kuwatro pa lang ng umaga. Masyado siyang napaaga kumpara sa mga araw na tinatanghali siya ng gising. "Kaasar!" reklamo niya sa isip.
Sa sobrang inis niya kagabi, pati alarm clock ay napagbuntunan niya ng galit. Ano pa at bumawi ito ng malala sa kaniya. Sira na nga ang mood niya kagabi, pati ba naman sa paggising ay gano'n din.
Matagal siyang napatulala sa kisame. Gusto na sana niyang kalimutan ang nangyari kagabi pero kusa itong inalala ng kaniyang isip. Malinaw pa sa memorya niya ang bawat detalye nito.
Sa katunayan, siya ang dahilan kung bakit pansamantalang natigil ang party.
Nakaagaw ng atensiyon sa mga bisita ang pagtaas niya ng boses sa lalaking sumaklolo sa kaniya. Napalakas din ang pagtulak niya rito sa labis na pagkabigla.
"Stay away from me. Huwag mo akong hawakan," humahangos niyang singhal sa binata.
Lumipat ang tingin niya kay Khalid na noo'y dinidilaan ang pumutok nitong labi. Namumula rin ang kanang pisngi nito. "At ikaw, huwag na huwag mo na akong lalapitan."
Mala-halimaw na tawa ang pinakawalan ni Khalid. "Do you know the reason why no one wants to stay by your side, Saorsie? That's because you're a very selfish person. May halaga lang ang isang tao sa iyo kapag nagagamit mo."
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "How dare you?" Akmang sasampalin niya ng malakas si Khalid ngunit napigilan nito ang kamay niya.
"Ito na ang huling beses na magpapauto ako sa 'yo Saorsie," mariin nitong saad saka siya tinalikuran.
Sinubukan pa siyang kausapin nina Alora at Nevaeh ngunit nagmadali na rin siyang umalis. Agad ding sumunod sa kaniya si Venice. Wala siyang ibang ginawa kung 'di ang magbasag ng mga gamit pagkauwi.
Napapikit siya at napasabunot sa sarili. Bumalik tuloy ang inis niya dahil doon. Imbes na bumalik sa pagtulog ay bumalikwas na siya ng bangon.
Gising na ang ilang mga kasambahay, ngunit hindi siya nag-abalang utusan ang mga ito na magluto ng almusal. Nais niyang siya mismo ang maghanda ng kakainin.
Kumuha siya ng dalawang itlog sa refrigerator at nagluto ng sunny side up. Pagkatapos ay sinangag niya ang natirang kanin kagabi.
Paborito niya ito mula noong bata pa siya. Ito ang madalas niyang i-request sa kaniyang ina na lutuin noong nabubuhay pa ito. Palagi siyang ganado kumain kapag ito mismo ang nagluto.
Tahimik siyang naupo at kumain mag-isa. Mas lalo tuloy siyang nangulila sa kaniyang ina. Sariwa pa sa kaniyang alaala kung paano siya purihin nito kapag nakakarami siya ng kinain sa agahan.
Wala siyang kaalam-alam na iyon na pala ang huling beses niyang matitikman ang luto nito. Sa kaparehong araw ding iyon pumanaw ang pinakamamahal niyang ina.
Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari. Kung hindi siya nagpumilit na lumabas ng bahay upang gumala, malamang ay kasalo pa niya ito sa hapag ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/271599151-288-k908507.jpg)
BINABASA MO ANG
I Hate You, Mr. Bodyguard
RandomMaldita si Saorsie, palibhasa lumaki na palaging nasusunod ang gusto. Bata pa siya nang maulila sa ina dahil sa pagkasawi nito sa isang aksidente. Sa muling pagtakbo ng kaniyang ama sa eleksyon, mas lalo siyang napalapit sa panganib. Isa sa mga kal...