Six days later..
Aoife's POV
Halos anim na araw na kong inaalagaan ni sir Sauvey. At bumubuti naman ang pakiramdam ko. Kung noong una ay wala akong ganang kumain ng kanin or kahit na ano, ngayon nagagawa ko na. At napapansin ko na nitong mga nakaraang araw, nandito lang siya sa bahay niya at inaalagaan ako. Hindi ko ba alam kung pumapasok pa ba siya kasi hindi ko rin naman siya magawang tanungin. Nagiging mahaba din aksi ang tulog ko at tuwing gigising naman ako, nandiyan siya sa tabi ko. Nakikita ko na lang na natutulog siya minsan ng nakaupo habang hawak ang kamay ko. Nagaalala ako baka mahawaan ko siya ng sakit ko. Tsaka pang-ilang araw ko na ito at siguro naman bukas, ayos na ang pakiramdam ko. Kaya pwede na rin siyang bumalik sa mga gawain niya. At nitong mga nakaraang araw, nakadamit pambahay lang talaga siya. Naka-short at sando. Hindi ko nga siya nakilala agad noong una ko siyang makitang suot 'yon eh.
Para lang siyang karaniwang tao. I mean hindi halata sa kanya na may-ari siya ng kumpanya sa suot niyang 'yon. Tsaka tuwing kakain ako, kasabay ko siya. Nahihiya nga ko dahil yung mga pinagkainan namin, siya ang naghuhugas. Sabi ko naman sa kanya, ipunin niya na muna ang mga damit niya at ako na ang maglalaba kapag gumaling na ko. Kasi nakakahiya naman at parang sobra na kung siya pa ang maglaba ng mga damit niya. Parang siya tuloy yung nagmumukhang katulong sa 'ming dalawa. At ilang beses akong sinumpong ng sakit ng ulo tapos madaling araw pa! Kaya nga nagigising ko din siya. Mas lalo ko tuloy napagaalala si sir Sauvey. Kailangan ko rin suklian itong ginawa niya. Kasi inasikaso niya talaga ko. Tuwing tatayo nga ko para mag-cr inalalayan niya pa ko kasi para kong babagsak kapag tatayo. Pero ngayon hindi naman na gan'on. Kasi bumubuti na yung pakiramdam ko eh. At dahil 'yon sa pagaalalaga sa 'kin ni sir Sauvey.
Hindi ko din inaasahan na kaya niya ang ganitong bagay. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto para hanapin si sir Sauvey."Aoife where are you going?"alalang tanong sa 'kin ni sir Sauvey at nagmadali siyang lumapit sa 'kin para alalayan ako.
Natawa na lang ako sa kinilos niya."Gusto ko lang makita kung ano pong ginagawa mo."sagot ko naman.
Nakita kong suot niya yung pink na apron na sinusuot ko tuwing magluluto ako."Isn't obvious?"aniya.
Tinawanan ko na lang siya pagkatapos ay pinaupo niya ko dito sa upuan na malapit sa kanya habang nagluluto siya."Bukas sir Sauvey, pwede na po akong bumalik sa trabaho. Ayos na rin naman po ang pakiramdam ko."sabi ko sa kanya habang nagluluto siya.
"Okay but don't push yourself to work hard and don't do the heavy things yet. I'm still worried."
Palihim na lang ako napangiti dahil sa sinabi niyang 'yon."Opo sir."sinubukan ko naman palambingin ang boses ko. May bigla naman akong naalala."Sir Sauvey lapit ka po sandali dito."tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang lumapit sa 'kin. Kaya naman binigyan ko siya ng isang smack na halik sa labi."Why did you do that?"nagtaka siya.
Hinawakan ko siya sa pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay since hindi naman na ko mainit."Hindi po kasi kita nahalikan simula noong lagnatin ako eh."sagot ko naman sa kanya.
Ngumiti naman si sir Sauvey dahil sa ginawa kong 'yon."Sauvey!"nagulat ako nang may biglang sumigaw.
Bigla na lang lumitaw sa kung saan ang stepmom ni sir Sauvey kasama ang dalawang anak niya."Mama?"nagtaka si sir Sauvey.
Nakita ko namang nagulat sila nang makita ang suot ng amo ko."What the hell is that? And bakit hindi ka pumasok sa kumpanya in the past six days?! Ano na naman bang pinagkakaabalahan mo Sauvey?"inis na sambit ni Mrs. Monfero.
BINABASA MO ANG
My Possessive Boss
Romance[SPG] The Monfero Family are so popular because of their richness. Sauvey Monfero. Sauvey was the third child of Monfero which is the CEO and the owner of their company. He's so responsible whenever their company is in trouble. Sauvey has his own ho...