CHAPTER 22

713 19 1
                                    

Aoife's POV

Bigla na lang akong nagising sa hindi ko malamang dahilan. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa 'kin ang gwapong mukha ng isang lalaki. Mahimbing na natutulog si sir Sauvey sa tabi ko. Na-miss ko ito. Yung makita siya sa paggising ko. Nakita ko namang parehas pa kaming nakahubad, shit. Yung sinag ng araw ay tumatama sa mukha niya kaya sinubukan ko itong harangan dahil baka magising si sir Sauvey. Ala-sais palang pero yung araw, tirik na tirik agad. Ang himbing naman ng tulog ng isang 'to. Siguro napagod siya kahapon. Halos araw-araw naman eh. Pero kasi kahapon siya yung nagasikaso ng handa ko kahapon. Hindi ko pa siya napapasalamatan. Anong oras na rin kasi kami natapos kagabi. Yung gusto ko na siyang patigilin pero hindi niya ko susunod. Kung saan-saan pa kami umabot kagabi. Sa salas, sa kusina at sa sahig. Ewan ko ba pero uhaw na uhaw si sir Sauvey. Halos nagkaroon na siya ng gasgas sa likod dahil sa kalmot ko.

Pero bago kami matulog kagabi, naligo muna kami ng sabay. So 'yun, ayos na kami. Napahawak tuloy ako sa pisngi ni sir Sauvey. Dinampi-dampi ko naman ang daliri ko sa labi niya. Ang lakas ng dating sa 'kin nitong lalaking 'to. Napaka-moreno. Gumapang naman ang kamay ko papunta sa dibdib niya. Mahigit dalawang buwan na kaming nagtatalik ni sir Sauvey. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagsasawa sa 'kin. Halata namang madali lang akong pagsawaan. Hindi naman siguro nagtitiis sa isang katulad ko si sir Sauvey 'no? Kasi kung sawa na siya sa 'kin, baka naghanap na siya ng ibang babae. Hindi rin kami nagkausap ng maayos kagabi. Dahil ilang oras namin ginugol ang isa't-isa sa pagtatalik. Ayoko ng maulit pa 'yon. Siguro nagka-misunderstangding lang kami ni sir Sauvey. Bakit kaya hindi ko siya hayaang magpaliwanag? Mamaya siguro, susubukan ko siyang kausapin tungkol doon.

"Stop staring at me."

Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Natawa na lang tuloy ako."Nagising po ba kita?"tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang buhok niya.

Narinig kong napabuntong-hininga si sir Sauvey."No."sagot niya sa 'kin."I'm sorry Aoife. Sorry if i said something wrong. I really meant to what i said is i don't really pity you. Kaya lang naman kita binigyan ng trabaho dahil hiningi mo sa 'kin. Hindi porke binigyan kita ng trabaho, eh naawa na ko sayo. That's not it. Napangunahan lang kasi ako ng nararamdaman ko."aniya habang nakahawak na sa pisngi ko.

Napapikit-pikit pa kong tinanguan siya."Sorry din kung may nasabi akong masama. Ayoko lang kasi talaga na kinakaawaan ako ng kahit na sino."sabi ko naman.

"I know, i know."saad niya matapos ay hinalikan niya ko sa noo."But.. why did you hold Victor's hands?"tanong niya sa 'kin.

Naalala ko tuloy yung araw na 'yon. Hindi muna ko nakapagsalita at nagisip muna ng sasabihin."K-kasi sabi niya basa daw yung kamay niya.. k-kaya 'yun, hinawakan ko. Tsaka wala namang malisya eh. Bakit ka nagagalit?"paliwanag ko sa kanya.

Tinignan niya ko ng deretso."Sinabi ko na sayong akin ka 'di ba? Alam mo ang ibig-sabihin n'on Aoife."sambit ni sir Sauvey.

Hindi ko naman napigilan pang kiligin."Pa'no ko naging iyo eh hindi mo naman ako girlfriend at hindi naman kita boyfriend? Mukha ka nga lang nakatatanda kong kapatid eh."pangangasar ko naman.

Sumeryoso ang tingin ni sir Sauvey."Kailangan ko pa bang maging boyfriend mo para matawag kong akin ka?"saad niya.

Lalo tuloy akong kinilig."Pwede rin."sabi ko.

Bigla naman niya kong niyakap."You're so cruel. Sa lahat ng punishment, 'yon pa yung napili mo."rinig kong sabi niya.

Tinawanan ko na lang siya."Ako pa ngayon ang cruel? Psh! Bakit hindi po ba kita pwedeng parusahan? Sorry pero kahit boss po kita, hindi ako papayag na ikaw lang ang masunod."pagtataray ko tapos ay pinindot ko ang ilong niya.

My Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon