A months later...
Aoife's POV
Ang bilis talaga ng panahon, parang paglipas lang ng oras. Halos limang buwan na ko dito kay sir Sauvey. So, three months ago matapos namin mag-confess ng feelings namin sa isa't-isa. Naging maayos naman ang lahat. Pero ang totoo, wala pa kaming relationship status. Ni hindi pa kami mag-boyfriend at girlfriend! Hindi ko nga alam kung bakit. Pero masaya naman kaming nagsasama. Mas naging kampante at komportable kami sa isa't-isa ni sir Sauvey. Ilang buwan na rin noong huling nagparamdam si Yasmin. Sana nga lang talaga hindi na magpakita ang babaeng 'yon. Tsaka nagkausap na kami ni Ion. Pero may nagbago talaga sa kanya matapos kong umamin. Kahit ano kasing desisyon ang gawin ko, isa talaga ang masasaktan sa kanila. Si sir Sauvey, madalas ko ng kasama. Kapag wala siyang trabaho, nandito lang kami sa bahay or 'di kaya ay namamasyal kami kasama sina Naizin at Dallian. Wala pa silang kaaalam-alam na may namuo na palang feelings para sa isa't-isa kami ni sir Sauvey.
Nag-aminan pero hindi pa kami. So, ang meaning wala pa kaming label. Pero kung meron o wala namang label or relationship status, masaya pa din kami ni sir Sauvey sa isa't-isa. Hindi nga namin namalayan na yung gabi pala matapos naming mag-aminan ay natapos kami sa pagtatalik, bandang hating-gabi na. Para nga kaming basang-sisiw ni sir Sauvey matapos n'on. Napaupo na nga lang kami sa sahig dahil sa pagod. Syempre, pagkatapos naligo kami. Kapag gan'on talaga, hindi magawang maging gentle ni sir Sauvey. Tsaka kahit saan, nagtatalik kami. Nagulat nga ko nang magtalik kami sa loob ng kotse. Kaming dalawa lang noon, wala si Leo. After yata naming mag-date nun. Oo, nagde-date na kami ni sir Sauvey. Hindi naman siya nakikilala ng mga tao. Tsaka kung lalabas man kami, sa araw na wala siyang gagawin. Katulad ngayon, araw ng linggo. Tsaka nandoon naman daw si Jaster para magbantay. At kapag may gagawin daw, tatawagan na lang niya si sir Sauvey.
Kaya araw namin itong dalawa para magsama. Ang sarap niyang pagmasdan ngayon habang natutulog siya. Nakadapa nga ang posisyon niya eh. Tapos yung ulo niya nakatagilid. Kahit tirik na yung araw, tulog pa rin siya. Puyat siya kagabi dahil sa trabaho kaya hindi kami nakapagtalik. Gawain pala ni sir Sauvey ang matulog ng walang pang-itaas. Habang ako naman ay natutulog ng walang bra. Pero nagiingat naman ako in case na dumating sina Naizin ng biglaan. At si kuya, naisipan bumili ng cellphone nang makaipon siya. Yung tira lang niya 'yon sa tinrabaho niya doon sa karinderya. Yung keypad lang daw yung afford niya pero dahil may ipon naman ako, dinagdagan ko siya para makabili siya ng android na cellophane, yung touchscreen na talaga. Malaki-laki na rin kasi ang naiipon ko ngayon. Kaya pinakabit ko na ulit yung tubig doon sa bahay para hindi na mahirapan mag-igib sina kuya. Matipid naman sila kaya wala kong dapat problemahin.
Nakita ko namang biglang gumalaw si sir Sauvey."Let's just sleep. Wala naman akong work today."aniya at hinatak ako palapit sa kanya.
Napailing na lang ako. Minsan talaga may pagkabatugan ang taong ito."Alas otso na ng umaga sir Sauvey.."sabi ko sa kanya."Bumangon kana po. Maghahanda na po ako ng agahan natin."dagdag ko pa. Pero mukhang hindi siya nakinig sa 'kin."Sige, kapag hindi ka pa po tumayo may parusa ka po sa 'kin."banta ko sa kanya.
Matik siyang napabangon mula sa pagkakahiga."Don't threaten me."sambit nito habang nakaupo sa hinihigaan namin.
Natawa na lang ako. Bumangon na ko at lumabas na ng kwarto niya. Pagkababa ko ng hagdan ay dumeretso ako sa kusina."Ahhh.!"nagunat-unat ako.
Pagkatapos ay sinimulan ko na ang pagluluto. Bigla naman may pumulupot na braso sa tiyan ko."Pwede ka ng maging asawa ko."boses ni sir Sauvey.
Napahagikgik ako."Asawa? Psh! Masyado pa po akong bata para ikasal."saad ko.
"But you said you're fine to marry me if i want to."
BINABASA MO ANG
My Possessive Boss
Romance[SPG] The Monfero Family are so popular because of their richness. Sauvey Monfero. Sauvey was the third child of Monfero which is the CEO and the owner of their company. He's so responsible whenever their company is in trouble. Sauvey has his own ho...