CHAPTER 30

737 28 1
                                    

Aoife's POV

Buong araw akong walang balita kay sir Sauvey. At buong araw din ako dito sa bahay. Wala siyang tawag sa 'kin or ano. Pero kanina, tumawag sa 'kin si Kira. Tinanong niya sa 'kin kung nandito ba si sir Sauvey. Eh sabi ko naman wala. Sabi niya kasi buong maghapon daw wala si sir Sauvey sa office niya. Hinahanap na nga rin daw siya ng secretary niya eh. Kaya 'yon, sinubukan kong tawagan si sir Sauvey pero hindi ko siya ma-contact. Medyo nagsisimula na kong magaalala. Tinawagan ko na din si Leo kasi ang sabi nila, silang dalawa daw ang magkasama kanina noong papunta sila sa ka-meeting ni sir Sauvey. Hindi naman siguro sila na-aksidente 'no? Halos nine thirty na ng gabi. Hindi ako mapakali ngayon. Parang hindi ako makapante. Nandito ako ngayon sa salas. Hinihintay siyang makauwi. Hanggang ngayong ay sinusubukan ko pa rin siyang tawagan. Pero hindi niya ko sinasagot. Wala naman sanang kung anong nangyari.

Kinakabahan ako kasi ngayon lang ito nangyari kay sir Sauvey. Kaya nagaalala ako. Kani-kanina lang, tiwagan ko naman si Kira. Tinanong ko siya kung nakabalik na ba si sir Sauvey pero ang sabi niya, wala pa rin daw. Galit na galit na nga daw si Jaster dahil hindi na siya magkandaugaga sa pagaasikaso doon. Sure naman akong masasanay din siya. Pero nagaalala na talaga ako kay sir Sauvey. Walang nakakaalam kung saan na siya nagpunta. Kinontak na daw ni Jaster yung mga ka-meeting ni sir Sauvey pero ang sabi nila, hindi daw siya sumipot. Kaya 'yon, nagalit siya. Kinakabahan ako. Parang may hindi magandang nangyayari. Sana naman nagkakamali lang ako. Dahil hindi ko kakayaning may mangyaring masama kay sir Sauvey. Magkagalit kami ngayon sa isa't-isa. Pero mahal ko pa rin siya. Nakailang tawag na ko pero ni isa, hindi niya sinagot. Ano ba kasing nangyari? Bakit hindi siya sumipot doon sa meeting niya at hanggang ngayon wala pa rin siya? Hays.

Habang naglalakad-lakad ako dito ay biglang nag-ring ang phone ko. At nakita ko sa screen ang pangalan ni Leo."Hay sa wakas tumawag ka rin. Nasa'n ba kayo ni sir Sauvey ha? Kanina pa namin kayo sinusubukan i-contact."sagot ko sa tawag niya.

"[P-pasensya na Aoife kasi may nangyari..]"

"Ano naman?"

"[May nangyaring barilan kanina. At parehas kami ni sir Sauvey na nandito sa ospital. Dalawang tama daw ng bala ng baril ang tumama sa kanya sabi ng doctor.]"

Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya 'yon. Nanlaki pa ang mga mata ko."A-anong sinabi mo..? Kamusta naman siya ngayon?"tanong ko sa kanya.

"[Stable na ang lagay niya ngayon. Buti na lang daw at nasugod pa siya sa ospital kahit medyo huli na. Pwede mo ba siyang puntahan dito? Wala kasing nagbabantay sa kanya.]"

"Oh sige-sige. Saan bang ospital?"

"[Doon sa ospital na pinagdalhan sa mga magulang mo.]"

"Okay. Kita na lang tayo diyan."

"[Room 106 siya.]

"Mmm.."

Matapos nang usapan naming 'yon ni Leo ay agad na kong lumabas ng bahay. Pagkalabas ko naman ng gate ay agad akong pumara ng Jeep. Sumakay naman na ko agad. Nagbayad na ko at kasabay n'on ay sinabi ko na sa driver kung saan ako pupunta. Hindi ako makapaniwala. Nasa ospital sila ngayong ni Leo. Pero anong nangyari? Pan'ong na-ospital sila? Gusto kong malaman ang katotohanan. Kahit maayos na ang lagay nila, hindi pa rin ako makapante hangga't hindi ko nakikita si sir Sauvey. Kaya pala hindi na maganda ang nararamdaman ko kanina. Nung una hindi ako masyado nagaalala. Pero nung sinabi ni Kira na hindi nakarating si sir Sauvey sa meeting niya at hanggang kanina pa ay hindi pa siya nakakauwi, doon na ko mas kinabahan. At kinilabutan ako nang sabihin ni Leo na may mga tama si sir Sauvey ng baril. Sino naman ang nakaaway nila? Mukha namang wala siyang nakakaaway. Or baka isa sa nga naging ka-meeting niya noon.

My Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon