Aoife's POV
Nagbibihis na lang ako ngayon para maka-alis na kami ni sir Sauvey. Nandoon siya sa kwarto niya, nagbibihis din. Pagkarating daw namin sa mall mamaya, kakain muna kami. Ang sabi niya may mga bibilhin daw siya. Bakit niya pa ko kailangan kasama eh mukhang kaya niya namang buhatin yung mga bibilhin niya tsaka may kotse naman siya eh. Nakakaloka talaga yung nangyari sa 'min kanina. Kaya ayokong makipaghalikan sa kanya eh. Sa iba kasi napupunta. Kakauwi ko lang ngayong araw pero nakadalawang beses na agad kami. Tapos 'yon, naligo na naman kaming dalawa ng sabay. Nakakahiya kasi first time ko 'yun na maligo na may kasabay tapos lalaki pa at si sir Sauvey pa! Kaya hindi talaga ako sanay. Nakakatuwa kasi nakukuhang patawanin ako ni sir Sauvey. Kasi kanina mukha siyang tanga na nag-joke. Actually, hindi naman talaga 'yon nakakatawa. Natawa lang kasi ako dahil ang corny. Tinanong niya kasi ako kung bakit basa yung tubig at bakit mainit ang apoy.
Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng tama ngayon ni sir Sauvey. Pero nakakatuwa kasi hindi ko alam na may ganito pala siyang side. At nagiging komportable na rin kami ni sir sa isa't-isa. Medyo hindi na nga ko nauutal ngayon eh. Maganda na rin siguro ito para magsimula ng friendship. Pero gumugulo pa din sa isip ko yung mga pinagsasasabi niya kanina. Feeling ko kasi may malalim na ibig-sabihin ang mga sinabi niya. Ayoko naman mag-assume kasi baka paasahin ko lang yung sarili ko. May nararamdaman talaga akong kung ano sa sarili ko. Tuwing hahawakan niya yung kamay ko, bumibilis agad yung tibok ng puso ko. Kailangan ko munang malaman kung ano itong nararamdaman ko. Dahil ayokong pangunahan ako ng nararamdaman ko. Sa totoo lang kasi, mabilis akong ma-fall. Hindi ko alam kung bakit. Pero itong nararamdaman ko, parehas sa naramadaman ko nung magkagusto ako kay Ion.
Sana naman mali itong nararamdaman ko. Sana hindi ito totoo. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ko ng kwarto. Nakita ko si sir Sauvey na nakaupo sa sofa habang may kinakalikot sa phone niya."Let's go?"aniya.
Binigyan niya ko ng tingin."Yes sir."sabi ko naman sa kanya.
Tumayo siya at mukhang tinignan ako mula ulo hanggang paa."Wait a minute."saad nito at biglang nagmadaling umalis paakyat ng hagdan. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na siya nang may dala-dalang sapatos?"Wear this."sabi niya.
Napakurap-kurap muna ko."P-po?"utal na sambit ko.
Mukhang nainip si sir kaya naman bigla niya kong inupo sa sofa at tinanggal ang suot kong sapatos tsaka niya ito pinalitan ng sapatos na dala niya."I knew it. Magkakasya 'to sayo."aniya matapos isuot ang magandang puting sapatos sa 'kin.
Tumayo naman na ko."Sir kaya pa naman po ng sapatos ko eh."sabi ko sa kanya.
Bigla na lang niya kong hinatak palabas ng bahay. Pinauna niya kong papasukin sa loob ng sasakyan kaya naman pumasok na ko at sumunod naman na siya."Saan po ang punta natin sir Sauvey?"tanong ni kuya Leo sa amo.
"Sa mall tayo."agad naman siyang sinagot ni sir Sauvey.
Kaya matapos n'on ay nagmaneho na si kuya Leo."Bakit mo pa po ako sinama sir Sauvey kung pwede mo naman pong isama si kuya Leo?"tinanong ko din siya.
Binigyan niya na lang ako nakapanlilisik na tingin."Wag ng maraming tanong Aoife."sabi na lang niya.
Tumahimik na lang ako habang nakatingin sa labas nitong bintana. Nakaramdam naman ako ng antok. Ang aga ko kasi nagising kanina eh. Kamusta na kaya sina kuya? Sinabi ko naman sa kanya na kung wala na silang pang-gastos, sabihan lang niya ko. Kasi nagaalala ako na baka bumalik na naman siya sa gawain niya eh. Ayaw niyang mangako pero susubukan daw niya. Naniniwala naman akong kaya niya eh. Hindi lang kasi medyo maiwasan ni kuya dahil kakasimula palang niya. Hindi naman sila nagiging pabigat sa 'kin. Kaya ayos lang na magtrabaho ako para sa kanila. Susubukan daw din ni kuya na maghanap ng matinong tranaho pero sabi ko sa kanya alagaan niya na muna sina Naizin at ako na ang magtatrabaho para sa mga gastusin namin. Makikipagmatigasan pa siya sa 'kin pero wala na siyang magagawa pa. Dati ko pa itong gusto gawin. Hindi lang talaga ko makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman matatawag na matino yung trabaho ko kasi naman saan ka nakakita ng kasamabay na may ka-sex 'di ba?
BINABASA MO ANG
My Possessive Boss
Romance[SPG] The Monfero Family are so popular because of their richness. Sauvey Monfero. Sauvey was the third child of Monfero which is the CEO and the owner of their company. He's so responsible whenever their company is in trouble. Sauvey has his own ho...