CHAPTER 26

617 18 0
                                    

Aoife's POV

Matapos naming kumain ay sinabihan kami kanina na mag-swimming since tirik na tirik yung araw ngayon. Kaya naman, nagbibihis na ko ngayon. Sina sir Sauvey, nauna na. Sa katabi pala nitong resort, may dagat. Parang gusto ko tuloy pumunta pero hindi pwede dahil dapat lagi akong nasa tabi ni sir Sauvey. Lumabas siyang walang pang-itaas na damit. Para nga siyang model eh. May pa-shades pa. At ako naman ang rarampa ngayon. Sinuot ko yung isang pares ng bikini na kulay dark blue. At sa totoo lang, ang ganda pala nitong tignan sa 'kin. Nakasuot pa ko ng balabal na kulay puti dahil ayokong umalis ng hotel ng walang takip sa katawan. Mahirap na baka may mangyakis sa paligid. Pero nagdadalawang-isip pa kong lumabas dito eh. Baka mapahiya lang ako doon kapag nalaman nilang hindi ako marunong lumangoy T^T Pero sayang din naman kung hindi ako rarampa ngayon habang suot-suot itong bikini. Medyo nag-effort na din ako kahit papaano.

Inayos ko muna ang hitsura ko dahil mukha akong ninenerbyos. Sayang ganda ko nito. Partida hindi na ko nakamake-up. Sadyang mapula na talaga yung labi ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at sabay humigop na rin ako ng lakas ng loob. Pagkatapos n'on ay unti-unti kong pinihit itong door knob ng pintuan at lumabas na. Naglakad naman na ko patungong elevator. Nasa fourth floor kasi yung kwarto namin ni sir Sauvey. Buti naman at wala akong kasama dito dahil baka mamaya, manyakis 'yon. Pagkatapos naman nitong makababa ay lumabas na ko. Pagkalabas ko palang ay nakuha ko na nah atensyon ng tao sa paligid. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para hanapin sina sir Sauvey. Kaya mo 'to self. Hindi ka nila kakainin. Nakatingin lang talaga sila sayo. Nang makita ko sina sir Sauvey sa hindi kalayuan at nilapitan ko na sila. Bigla namang nilipad ang balabal ko kaya naman kinuha ko 'yon.

Pagkarating ko kina sir Sauvey ay nakita kong nakatingin sila sa 'king lahat."Is she really your maid Sauvey? Look, she look like your girlfriend."sabi nung isang babae na nakasama namin sa tanghalian kanina.

Nakita kong lahat sila ay nakabihis pang-langoy na."May ikakabog din pala."sambit naman ng babaeng naka-cross arms.

"Aoife you look so sexy!"si Theo.

"Do you have a boyfriend miss?"

"Can i get your number?"

"Pwede ba kitang yayain maglakad-lakad mamaya?"

Yan ang mga sinasabi ng mga kamag-anak ni sir Sauvey. Hindi naman ako nakapagsalita agad."She already has a boyfriend."bigla na lang nagsalita si sir Sauvey.

Pero parang hindi naapektuhan yung mga lalaking kinausap ako."Tss, boyfriend lang pala. Maagaw ka din namin sa kanya. As long as hindi pa kayo kasal."sambit ng lalaking tisoy.

Palihim ko namang tinignan si sir Sauvey. Para siyang naiinis na."Kahit nga kasal naaagaw pa, eh mag-jowa pa kaya?"sabat nung medyo pandak na babae.

Feeling ko, kapag hindi pa sila tumigil, may hindi magandang mangyayari."What's your name again?"tanong naman sa 'kin nung mukhang mataray na babae.

"Aoife.. Aoife Savino."pagpapakilala ko.

"Ngayon ko lang narinig yung name na 'yan."nagsalita pa ulit yung lalaking gustong kunin ang number ko.

"That was an Irish surname."sabat ni sir Sauvey.

"Bye the way i'm Ari."pagpapakilala nung babaeng nagtanong ng pangalan ko.

"I'm JC."pagpapakilala naman nang lalaking gustong makuha ang number ko.

"I'm i'm Kaycee."

My Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon