📌 FOURTEEN

256 25 0
                                    

Alexis POV

"Anong sabi mo? Paano mo naman sila bubuhayin Alyssa? Wala ka naman ganung kapangyarihan?" sigaw ni Allan.

"Allan, wala akong sinabing bubuhayin ko sila. Ang sabi ko mabubuhay sila.."

"At paano mo nga gagawin yun?" inis nyang tanong.

'Tsk'

"Hindi ako ang gagawa nun." mahinahon kong sabi..

"Kung ganon sino?" tanong nya ulit.

Andito kami ngayon sa trono nya.. Kasama si Flint at ilang kawal na nagbabantay sa gilid.. Matapos nya kasing malaman ang sinabi ko kay Flint, halos kaladkarin nya ako papasok ng trono para makausap.

"Hindi ko alam ang pangalan nya pero kilala ko sya.." sagot ko.

"At saan mo naman sya nakilala?"

"Sa paanan ng bundok.. Nung gabing hinabol ko ang halimaw na sumira sa pananggalang ng dating hari.." sagot ko..

"Mapagkakatiwalaan ba ang nilalang na yun?"

"Oo."

"Pupunta ba sya dito mamayang gabi?"

"Hindi.. Dahil hindi sya magpapakita kahit kanino.."

"Bakit naman ganun?"

"Malay ko. Kung alam ko ang sagot edi sinabi ko na sayo."

"Paano mo pala nakuha ang gamot?"

"Maitanong ko nga sayo unggoy ka.." inis kong sabi. "Ulyanin ka bang talaga o sadyang tanga ka.. Naka ilang ulit ka na sa tanong na yan di mo pa rin matandaan?" sabay pamaywang ko..

"Ang pasmado naman ng bibig mo kapatid. Minumura mo na ako? Ako ang magiging hari tapos ganyan ka pa rin umasta sakin.." sabi nya sabay nguso..

"Ikaw na rin ang nagsabi na magiging hari ka na, kaya pakiusap naman!! umayos ka sa mga bibitawan mong salita.. Wala ka na bang ibang tanong? Magpapahinga na ako?"

"Nag-aalala lang naman ako e!!"

"Eww.. Wag ka nang ngumuso nagmumukha kang pato.." sabi ko at umastang na susuka..

Nakita ko na nagpipigil ng tawa si Flint kaya sinamaan sya ng tingin ni Allan..

"Hayys!! O sige na!! Para makabawi ako sayo, may ibibigay akong regalo.." sabi ko.

Nakita ko kung paano kuminang ang mata nya sa sinabi ko..

"Seryoso?"

"Hindi.. Biro lang.." bigla naman lumukot ang mukha nya.. "Sandali, kukunin ko sa bag ko.." Binuksan ko ang bag ko.. "Chichi!! Chichi!!" sigaw ko.. Ayoko nang pumasok sa loob tinatamad akong maglakad.. "Lumabas ka dyan may gustong magpakilala sayo.."

Binuksan ko nang malaki ang bag ko at nagulat sina Allan na may lumabas na mabalbong bola at tumatalbog talbog pa ito paikot sakin..

"Ano ang bagay na yan?" sigaw ni Allan..

'Di ko alam kung lalake ba si Allan o may pusong babae. Hanep kung makasigaw e.'

Nakita ko naman na naging alerto ang mga kawal at si Flint..

"Wag kayong mag-alala di kayo sasaktan ni Chichi." sabi ko.. "Tigil chichi!!"

Pagkasabi ko nun ay tumigil si chichi at ipinakita ang itsura nya..

Kasing laki ko sya.. May dilaw na balahibo at bilog na pangangatawan.. May tatlong ulo na nagbubuga ng gas, apoy at yelo.. May maliliit din syang pakpak.

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon