Narrator POV
"Inuubos talaga ng Prinsesa ang pasensya ko!!" may diin sa malambing na boses nyang sabi..
"Ano ang gusto mong gawin ko?"
"Kunin mo lahat ng kaluluwa ng mga Magical Kingdom.. Tignan ko lang kung hindi nya pa gawin ang inuutos ko.. Lumakad ka na!!! At ako na ang bahala sa mga Dark Heaven.. Kailangan ko nang makuha ang kapangyarihang yun!!"
Saka lumabas ng silid si Hileria.. Ang hindi nila alam na may dalawang dyosa ang nakikinig sa usapan nila..
"Emerald?! Bakit nila gagawin yun?!" tanong ni Devila..
"Sinasabi ko na nga ba may masama silang plano. Kailangan nating maunahan si Hileria, para ipaalam kay Alexis ang plano nila.."
"Oo nga.."
"Kaya tara na!!"
Mabilis na umalis ang dalawa sa pinagpwestuhan nila.. Gumawa ng portal si Emerald at pumasok silang dalawa doon..
----
Alexis POV
"ANO?!! BAKIT NAGPUNTA KA DOON?! MAPANGANIB ANG LUGAR NA YUN.. BAKIT DOON PA?!!"
"Ititigil mo ang pagsigaw sigaw mo o papasabugin ko ang bibig mo.." sabi ko at inilabas ang Wind Blast ko.. "Kaharap mo lang ang kausap mo.."
"He-he, p-pasensya naman.. Nag-aalala lang naman ako sayo.. Tapos malalaman kung duon ka nagpunta.."
Ikinuwento ko na kasi sa kanya na sa Dark Heaven ako pumunta..
Hindi kasi sya nakunbinsi na sa ibang lugar ako naglakbay.. Lalo na nakita nya na kasama ko si Katin..
Ikinuwento ko din ang dahilan kung bakit ako napunta doon.. Sinabi ko din na hindi talaga namatay ang mga Magi, ginamitan lang sila ng mahika..
Sinabi ko din na naiibigan ko na rin si Vamas.. Nagulat nga sya sa sinabi ko at kulang nalang ingudngud nya ako sa sahig dahil daw sa katangahan ko..
'Katangahan ba ang magmahal? Lalo na kung----
"Alam kung nag-aalala ka pero nakita mo naman ako.. Kumpletong kompleto.. At lalo akong lumakas.."
"Ang yabang mo talag---"
"Prinsesa Alyssa!!!"
Napatingin ako sa tumawag sakin..
"Ang mga dyosa!!" sabi ko..
Nakita kung mabilis na nagsiluhuran si Allan, Heneral Flint at ilang mga kawal.. At kahit si Katin ay yumuko din..
Nakatingin naman ako sa kanila ng may pagtataka..
"Anong ginagawa nyo dito Devila? Emerald? Nakakagulat at nagpakita kayo sa kanila.." sabi ko.
"May kailangan kang malaman, Prinsesa.. Si Hileria at Athena ay masasamang dyosa.." sabi ni Emerald.
"Matagal na silang masama Emerald.."
"Alam mo na? Kelan pa?" tanong ni Devila..
"Oo. Simula nung pumasok ako sa Dark Heaven.." sagot ko..
"Kung ganun alam mo din na susugod si Hileria dito para kunin ang kaluluwa ng mga Magi?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya..
"Ano? Kelan?" nalilitong tanong ni Allan
"Ngayon.. Kaya kailangan na natin palikasin ang mga Magi.." - Emerald..
"Bilisan na nating kumilos.. Malapit na sya.." sabi ni Devila..
Ngayon, alam ko na kung sino ang mga dyosa na kalaban namin..
"Flint!! Magsama ka nang ilang kawal at tipunin ang mga Magi sa loob ng palasyo.." sabi ko..
"Saan natin itatago ang mga Magi?" tanong ni Allan..
"Sa sekretong silid.." sabi ko..
"Hindi natin sila pwedeng itago dun.. Kilala natin ang kapangyarihan ni Hileria.. Kukunin nya ang kaluluwa mo kahit saan ka magtago.. Ang kailangan natin ay ang taguan na hindi nakakapasok ang kapangyarihan nya.." - Emerald.
'Saan ba?'
"Sa bag ko!!"
"Kung ganun, bilisan na natin.. Paparating na sya!!"
----
Mabilis kaming kumilos.. Binuksan ko ang bag ko..
At sina Flint, Emerald at Devila ay tumulong sa pagpasok ng mga Magi sa bag..
"Bilisan nyo!!" sigaw ni Allan..
Pati ang ilang mga hayop na alaga nila ay pinapasok ko na..
Sina Ina at Ama ay pinabantay namin sa mga Magi.. Nagtataka nga sila kung bakit susugod ang dyosa ng espirito at kukunin ang kaluluwa ng mga Magi..
Ang sabi nalang ng mga dyosa, may sumanib na masamang hangin kay Hileria.. Mukhang naniwala naman sila kaya mabilis silang sumunod..
Nang masigurado namin na nakapasok na ang lahat nang Magi ay humarap ako kina Emerald at Devila..
"Salamat sa pagtulong nyo.." sabi ko.
"Tungkulin namin ang tumulong Alyssa.. Kaya wala kang dapat na ipagpasalamat.." sagot naman ni Emerald..
"Andito na sya!!" mahinang sabi ni Devila..
"Flint, Allan.. Pumasok na kayo sa loob.." sabi ko sa dalawa..
"Hindi, Alyssa!! Tutulungan ka namin!!" sabi ni Allan.. "At wag mo nang tangkain pang pilitin akong pumasok sa loob.. Dahil di ko gagawin yun.."
Nagtitigan kaming dalawa ni Allan..
"Palasyo ko ang gagambalahin nya.. Kahit sabihin mo pang dyosa sya.. Tutulong ako.." matigas na sabi ni Allan..
"Ayys!! O sige na!! Flint bantayan mong mabuti si Allan.. Pagmay nangyari dyan lagot ka sakin.."
"Masusunod, Prinsesa!!"
Sa hindi kalayuan nakita namin sa ere si Hileria..
"Emerald, kame na ang bahalang pumigil kay Hileria.." sabi Devila.. "Puntahan nyo na si Athena!! Alam kong may binabalak sya ngayon sa Dark Heaven."
"Si Vamas!!" wala sa sariling sabi ko.. "Katin!!"
Narrator POV
"Katin!!"
"Prinsesa!"
"Pumunta ka sa Dark Heaven at balaan sina Vamas.. Pipigilan namin si Athena.."
"P-pero prinsesa--"
"Wag mo muna akong isipin Katin.. Ang mga nilalang sa Dark Heaven ang intindihin mo.. Kaya sige na magmadali ka!!" utos nang dalaga.. "Mag-iingat ako.. Wag kang mag-alala.."
Labag man kay Katin ang inuutos ng dalaga, ay wala syang nagawa.. Para sa ikakabutihan ng kaharian nila, susundin nya ang utos ni Prinsesa Alyssa..
Kaya mabilis na gumawa si Katin ng portal at mabilis na pumasok sa loob..
"Tara na, Emerald." sabi ni Alyssa at mabilis silang naglahong dalawa..
BINABASA MO ANG
ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission'
Fantasy"Papatayin ko ang Prinsipe ng Dark Heaven" - Alexis