📌 SIX

327 32 0
                                    

Alexis POV

"Nakakainis naman tong si Emerald!!!" pagalit kong sabi habang padabog na naglalakad.. "Dito pa talaga ako dinala sa paanan ng bundok.. Pwede naman sa palasyo o kaya kahit sa gate lang.. Kakainis talaga ang babaetang yun!!"

Ang mas nakakainis sa lahat di manlang nila pinadala sakin ng baril ko.. Paano kung may makasalubong akong halimaw dito? Wala pa sakin ang kapangyarihan ko..

Kailangan ko munang mahawakan si Nicolas para mailipat sakin ang lahat ng magic ko..

What if may masalubong ako? Anong gagawin ko? Matapang ako kung may armas ko.. At Sila na din ang nagsabi na malalakas ang halimaw..

"Kakainis talaga!!" wala sa sariling sabi ko..

Habang naglalakad, inilibot ko ang paningin ko sa paligid..

Makikita mo ang ilang mga puno na nasunog, ang ibang puno naman ay tumba at bali bali.. Pero may ilang bahagi naman ng lugar na mapuno pa..

"Grabe talaga!! Parang pinagdaan ng world war two ang lugar na to!!" bulong ko pa..

"Wggggggrrrrr!!!"

"P*ta, ito na nga sinasabi ko e.." taranta kong sabi at naghanap ng pwedeng gamitin na panlaban.. May nakita akong kahoy at mabilis na kinuha ito.. "Kung sana pinayagan nila akong dahil yung baril ko, edi sana makakalaban pa ako.. Kahit wala yung kapangyarihan ko."

Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa palasyo.. Wala akong balak na sundan ang tunog ng halimaw na yun, dahil baka maging pagkain pa nila ako, kung sakaling makita nila ako...

Wala pang ilang minuto ng may maramdaman akong paparating.. Mabilis akong gumulong para iwasan ang isang puno..

Pagalit akong tumingin sa nagbato at medyo nanigas..

"Halimaw!!"

"WGGGGHRRR!!!" sigaw nya kaya agad kung tinakpan ang tenga ko.

'Nakakabingi'

Mabilis na tumakbo ang halimaw papunta sa akin..

"EMERALD!! KASALANAN MO TO!! PAGKINAIN AKO NG BUHAY NG HALIMAW NA ITO, MUMULTUHIN TALAGA KITA!!!!!!" sigaw ko habang na takbo.

Naisip ko na tumakbo sa lugar na mapuno.. At tama ang naisip ko dahil bumagal ang halimaw.. Hinahanap nya ako sa mga likod ng puno..

Nagtago ako sa likod ng puno malayo sa kanya.. Sumilip ako nang dahan dahan at pinagmasdan iyon..

Kung titignan ang itsura ng halimaw may taas ito ng tatlong doble sa normal na tao.. May apat na kamay at isang mata sa noo.. Ang paa naman nito ay parang katulad ng sa manok at kulay berde ang buong katawan nya.

Nang makita ko na malapit na sya nag-isip agad ako ng paraan kung paano pababagsakin ang halimaw gamit ang kahoy na hawak ko..

"Bahala na!!"

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kahoy at nagpakita sa halimaw..

Mabilis na sumugod ang halimaw ng makita ako.. Tumakbo ako sa may malaking bato at tumungtong doon.. Hinintay kong makalapit ang halimaw..

Nang akmang dadakmain nya ako, tumalon ako ng mataas at sa braso nya bumagsak.. Dadakutin na sana ako ng isa nya pang kamay, ay mabilis akong tumakbo papunta sa balikat nya..

Hinawakan ko ang tenga nya dahilan nang pag-iling nya na muntikan ko nang ikalaglag..

Sinubukan nya ulit akong dakutin pero malakas kong itinaas ang sarili ko at tumalon paitaas.. Inihanda ko ang hawak kong kahoy at malakas naitinusok sa mata nya..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon