📌 FIFTEEN

251 27 0
                                    

Alexis POV

Ilang minuto siguro ang nagdaan bago ko naramdaman ang kapangyarihan nya.. Pansin ko din na dumidilim na parang nabubulag na naman ako..

"Pinaghintay ba kita mahal ko?" tanong nya..

"Hindi naman.." sagot ko..

"Hindi talaga ako nagkamaling piliin ka.. Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko.." sabi nya pero di ako nagsalita.. "Tara na, mahal ko.."

"Sandali.." sabi ko..! "Bago mo ako isama, may utos at pabor ako sayo.."

"Hmmm.. O sige, para sayo.. Ano yun?"

"Ibalik mo ang buhay ng mga pinatay ng alagad mo.. Yun ang utos ko.." matapang kong sabi.

Kahit sa loob loob ko sobrang kinakabahan ako..

"Medyo mahirap yan.. Pero sige.. Walang problema.." pag kasabi nyang yun ay limang beses syang pumalakpak..

Ilang sandali lang may narinig akong mga paputok ng fireworks sa palasyo.. Ipinalagay ko yun para senyales ko na binuhay nya nga ang mga ito..

"Ano ang pabor mo mahal ko?" tanong nya..

"Gusto kong pumunta sa Gron Pack.." sabi ko..

"Bakit?"

"Gusto ko sana makausap ang mga kaibigan ko, bago umalis.." sabi ko..

---

Nang makarating kame sa bundok Regust.. Pumasok agad ako sa bahay ng mga Gron..

"Prinsesa Alyssa paano k--"

Naputol ang sasabihin ni Walgron ng mapatingin ito sa labas ng pinto..

"A-an-ang--" mabilis na lumuhod si Walgron, nakinagulat ko..

"PRINSESA ALYSSA!!" sigaw ni Fragron paglabas nya ng kusina nila. "Paano ka nakapunta dito? Sana tinawag mo ako para ako ang.... mag.. sun.. do?" sa huli nyang salita ay bumagal ito nang dumako ang tingin nya sa pinto.. "Ka-ka-ma--" mabilis sya lumuhod katulad ng ginawa ni Walgron..

"Prinsesa Alyssa, naparito ka? Ano ang kailangan mo?" sabi ni Leogron kasama ang asawa nya ng makita ako.. At dumako ang tingin nila sa labas.. "K-kamahalan!!"

At tulad ng magkapatid.. Mabilis din silang lumuhod..

"K-kamahalan, ano po ang sadya nyo at pumarito kayo?" sabi ni Leogron.. Nakaluhod lang sila..

"Ako ang may sadya sa inyo.."

Sabay nilang inangat ang paningin nila sa akin at takang tumingin sa akin..

.

.

.

"Ang ibig mong sabihin, gusto mong bantayan namin ang palasyo nyo?" tanong ni Fragron..

"Parang ganun na nga.." sabi ko.

'Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka nabibigla ka lang..' sabi ni Walgron sa isip ko..

"Sigurado na ako.." sabi ko.. "Makikiusap lang ako sa inyo.. Na kahit anong mangyari wag na wag nyong sasabihin kay Allan nasa Dark Heaven ako pumunta.. Alam kong maraming itatanong yun tungkol sa pag-alis ko.. Lalo na sa inyo Walgron, Fragron... Yun lang ang pakiusap ko.."

"Kung yan ang gusto mo prinsesa, susundin namin.." sabi ni Fragron nung tinignan ko ito..

Dumako ang tingin ko kay Walgron.. Alam kong may pagtututol sa kanya pero yun ang desisyon ko para matupad ang plano ko..

Bumuntong hininga si Walgron. Lumapit ito sa akin at niyakap ako.." Mag-iingat ka prinsesa, hihintayin namin ang pagbabalik mo.." bulong nya..

Nakaramdam ako ng nakakatakot na presensya sa likod ko..

"Umalis na tayo.." sabi nya sa malalim na salita..

Kita ko naman ang takot sa mukha ng Gron Pack..

"Aalis na ako." sabi ko at tumalikod na sa kanila..

Lumapit ako sa kanya at mabilis nya akong hinawakan sa pulsuhan ko.. At naglaho kami bigla..

Masakit ang pagkakahawak nya pero binaliwala ko lang iyon.. Feeling ko kasi mabubulag na naman ako sa sobrang dilim..

---

Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon.. Pero nararamdaman kong nasa isang sasakyan kami.. Hawak nya pa rin ang kamay ko..

Kinakabahan ako, hindi dahil sa pupunta kame sa Dark Heaven.. Kinakabahan ako dahil sa kapangyarihang inilalabas nya ngayon..

"Hindi kita nakikita pero nararamdaman kong sobra kang nagagalit ngayon." lakas loob kong sabi.. "Patawad kong ano man yun.."

Nagulat ako kung bakit ako humingi ng tawad sa kanya..

'Bakit ko sinabi yun? May kasalanan ba ako? Wala naman ahh!!' sigaw ko sa utak ko..

Binitawan nya ang kamay ko at naramdaman ko nalang na may ulo sa hita ko..

"A-anong ginagawa mo?" taranta kong tanong..

"Gusto kong matulog.." sagot nya..

"Pw-pwede naman dun nalang sa silid mo, pagdating natin. Bakit sa hita ko pa?"

"Malayo pa tayo sa palasyo ko.."

"Edi sumandal ka nalang sa inuupuan mo.."

"Ayoko. Sasakit ang leeg ko."

Dahil sa wala na akong magawa ay hinayaan ko nalang sya.. Alangan namang itulak ko sya, baka mas lalong magalit ito..

Hindi naman sa natatakot ako sa kanya.. Wala akong laban pag sa dilim kame ng laban.. Magaling din sya magtago ng kapangyarihan kaya di ko sya agad mararamdaman kung sakaling naglaban kami..

Tatalunin ko sya sa planong naisip ko..

Ilang minuto ang katahimikan ang bumalot samin bago ako magsalita..

"Paano ka pala mabilis na nakakapunta sa Magical Kingdom kung malayo pa pala tayo sa palasyo mo?" tanong ko..

Wala akong maisip na tanong e..

"Gamit ang portal."

"May portal pala.. Bakit hindi mo ginamit yun para mapadali tayong makarating sa palasyo mo?"

"Gusto kong sulitin ang oras na kasama ka.."

Hindi ko alam pero ang simpleng sagot na yun ay nagpabilis ng tibok ng puso ko..

"B-bakit naman? Ang ibig kong sabihin bakit gusto mong sulitin ang makasama ako? Maghihiwalay ba tayo pag nasa palasyo na tayo?" tanong ko..

"Hindi."

"Bakit?"

"Ramdam kong may plano ka sa akin.. Kaya gusto kong sulitin ang oras na kasama ka, bago mo magawa ang gusto mong gawin sakin."

Hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko..

'Paano nya naramdaman? Obvious ba sakin?'

At higit sa lahat naiinis ako ngayon sa sarili ko..

'Bakit pakiramdam ko ayoko nang ituloy ang plano ko?'

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon