Kakatapos lang ng last class ko so I decided na maglakad lakad lang.
I don't know pero bigla akong dinala ng mga paa ko sa intramuros, dahil na din siguro malapit din ito sa UST.
"Ang ganda talaga dito sa Intra." Bulong ko sa sarili ko ng makarating ako.
Napaka ganda talaga dito pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin lahat-lahat, sana hindi ko yon nagawa pero wala na eh.
It's been 4 months ...
Intramuros, ang lugar na pinaka gusto naming mapuntahan dito sa Maynila pero hindi namin nagawa dahil madaming hadlang.
Pumunta ako sa San Agustin Church para mag dasal saglit, ang tagal ko na ding hindi naka punta dito kahit 2 months na mula nung nagsimula akong pumasok sa UST.
Nung nakarating na ako sa San Agustin ay pumunta ako sa medjo malapit sa may altar at dun pumwesto.
Agad akong lumuhod at pumikit para mag dasal.
"Lord, kamusta na po siya? Ayos naman po siguro ung lagay niya diba?" Tahimik kong dasal.
"Ang galing ko po ano? Matapos ang lahat lahat ng ginawa ko sakanya, mga pananakit at pagpapaiyak sakanya mag tatanong ako kung ayos lang siya."
"Sising-sisi po ako sa mga nagawa ko at maging desisyon ko. Gusto kona po ulit siya makita ... "
"Sana po palagi niyo siyang bantayan para saakin, sana maging ayos at malagpasan niya lahat ng mga problema niya, yon lang po, Amen."
Dumilat ako at nag Sign of The Cross, pinunasan kona rin ang luha sa mga mata ko.
Agad na akong lumabas ng simbahan para umuwi na pero may naka salubong akong hindi ko inaasahang tao.
"Virea? ..."
YOU ARE READING
Safe Place
RomanceHow long can she wait for me? I'm really thankful because she has a lot of patience but what if one day she loses it? How long she can have patience. Does patience is the key to work things out? Patience in Problems. Patience in Herself. Patience in...