Vireia 's Pov
Bangag akong pumasok sa school. Ewan koba, hindi naman ako yung hiniwalayan pero parang ako pa yung sobrang na apektuhan. I feel bad lang din kasi for her, bakit naman ni-break siya sa mismong birthday nung babae? Jusme based sa itsura ni Siopao halatang nag ayos siya para maging maayos siyang tignan sa special day ng girlfriend niya tapos I bre-break lang siya.
"Ang kapal ng mukha ha!" I shouted out of nowhere.
"Nino teh?" Biglang sulpot ni Kiersten.
"Ha?" Tanong ko.
"Sabe mo ang kapal ng mukha e, kako nino?" Tanong niya pabalik.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Wala yung dun lang sa napanood ko." Palusot ko.
"Kaya pala sabog, nag puyat ka kakanood kagabe noh?" Tanong niya habang ngumunguya ng fishball.
"Hindi naman." Sagot ko sabay inagaw at kinainan ung fishball niya.
"Kaya pala kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero di ka manlang humarap ni isang beses." Sabe niya sabay hinablot ulit yung fishball saakin.
Papunta ako sa library ngayon as usual.
"Vir." Tawag saken ng mokong akala mong ghost friend ko.
Hindi ko pinansin ang pag tawag ni Cade saken, bakit sino ba siya? Akala niya siguro siya lang yung may karapatan na mang ignore. Kapal niya.
"Hoy teh, maganda ka?" Biglang tanong ni Kier.
"Oo, bakit may angal ka? Bakit ka nag tatanong ng obvious naman yung sagot?" Mabilis at mayabang kong sagot sa kanya.
"Ay teh. Kasi naman kung makapang ignore ka dun kay kuyang pogi akala mo naman kagandahan e hanggang talampakan nga lang kita." Pag iinarte niya.
"Teh, wala kang pake. Ayan na classroom mo, punta na ako sa room ko at baka malate pa ako. Babuh!" Sabe ko sakanya sabay nag lakad na paderecho ng library.
Syempre wala akong pasok palusot lang yon dahil baka chikahin pa ako ni Kier, chismosa yon e. Ayoko din mag kwento nung about saamin ni Cadde dahil una sa lahat walang meron saamin at wala siyang pasabe kung ano ang nangyayari. Kabastusan.
Tapos ngayon may karapatan siyang tawag tawagin ako, napaka kapal talaga ng mukha.
- - - - - - -
Nasa library na ako ngayon. Nag basa basa lang ako ng mga cookery book at nag tingin ng recipes. Trip ko mag luto ng iba't ibang pagkain sa bahay kasi wala lang. May pera pa naman akong naipon dahil open parin ung pag gagawa ko ng cookies and pastries tsaka yung pag cro-crochet ko.
Nag list lang din ako sa notebook ko ng mga napili ko na recipes.
Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. It was Cade.
"Vir." Tawag niya saakin.
Agad akong lumayo.
"Ang kapal naman ng mukha mo na hawakan ako, ang kapal mo din para tawagin ako sa pangalan ko. Matapos mo ako hindi kausapin nalang bigla tapos bigla mo akong lalapitan nalang na parang walang nangyari?" Derederecho kong sabe sabay suminghal.
"Calm down." Sabe niya.
"Anong calm down, calm down ka dyan. Tigilan mo ako ha." Inis kong sabe at aalis na sana.
"The principal wanted to see you, go to principal's office right now. Its up to you if you're going to follow me or you just go there by yourself." Malamig niyang sabe.
YOU ARE READING
Safe Place
Roman d'amourHow long can she wait for me? I'm really thankful because she has a lot of patience but what if one day she loses it? How long she can have patience. Does patience is the key to work things out? Patience in Problems. Patience in Herself. Patience in...