CHAPTER 10 : TOO MUCH PAIN

6 2 6
                                    

Vireia 's Pov

Patulog na sana ako ng maka receive ako ng message from Cade sa Instagram.

@cadethegreat • online

"[ Goodeve. Get a good sleep, I know u enjoyed the night. Lalo na ako >.< ]"

Natawa nalang ako sa pag ta-tagalog niya sa chat, siguro nag goggle translate pa yan at natawa rin ako dahil sa pa emoji niya.

"[ You too, Cade. Thankyou. ]" Reply ko.

"[ So, can I ask something? ]" Reply niya

"[ Hm? ]"

"[ Can u be my co - band mate?]" Reply niya.

Nagulat ako sa tanong niya kase gusto ko yon at gustong gusto pero kinakabahan parin ako pag madaming tao na ung mga nakikinig.

"[ Sigurado kaba dyan? Drums lang talaga ang kaya kong tugtugin at meron kanang drummist. ]"

"[ He is not always in the band. He is busy on his studies it just happened that he was there last night because it was the end of their semester and the school gave them 3 days break. ]" Paliwanag niya.

"[ ah. i see, sure pero tulad niya baka hindi rin ako palagi maka attend siguro maiintindihan moo naman na madaming gawain sa school and we also need a rest. ]" Reply ko.

"[ Ofc, I understand I'm the president of the school student council and I didn't ask you to be a regular drummist. ]" Pag sangayon niya.

"[ ok then. ]" Reply ko lang.

"[ Okay, have a rest na. Goodnight! ]"

Hindi na ako nag reply dahil masakit na talaga ung mata ko at antok na din talaga ako.

Sobrang saya sa pakiramdam na maka tugtog ulit sa madaming tao.

"Kuya Rap, I know you are proud of me." Sabe ko habang nakatingin sa binta na ko sabay pumikit na.

。゚・ ☆ ° 。 。゚・ ☆ ° 。 。゚・ ☆ ° 。 。゚・ ☆  

Rane 's Pov

Normal ba? Normal ba na kahit tinaboy kana ay dapat habulin mo parin? Normal ba na kahit ang dami na niyang nasasabe na masasakit sayo pero mahal na mahal mo parin? Malamang hindi normal! Tanga yon, tanga!

Ilang araw na akong naaning o parang wala palagi sa sarili ko. Palagi akong nasisita sa trabaho ko dahil pamali mali ako mabuti nalang ay na co-cover up o nag papaliwanag yung kaibigan ko na ka work mate ko kaya hindi pa naman ako natatanggal sa trabaho ko. Sa Supermarket ako nag ta-trabaho bilang isang kahera.

Hindi biro yung mga nagagawa ko, ang tanga tanga kona sobra pero hindi parin ako nagigising na hindi na niya ako mahal.

Kahapon lang ay pinuntahan ko siya sa kanila nag dala ako ng luto kong ulam pero yung ginawa niya lang saakin ay itapon sa mukha ko ung mainit na ulam sabay sabe na "Didn't I say I don't like you anymore and I don't want to see your face ever again!" Ang sakit sakit badtrip pero mahal ko parin talaga siya.

Paano ba makalimot ha? Paano ba kayo madaling nakakalimot matapos kayong ituring kung ano ung deserve niyo? Bakit parang ang dali lang sainyo pero saakin hindi, ang hirap hirap pa!

"Rani, tulala ka nanaman diyang may mga pipila na sayo mag ayos kana ng cashier mo. Please lang maging maayos kana alam kong ayaw mo mawalan nang trabaho." Bulong ni Chelsea.

"Pasensya na." Sabe ko nalang at nag operate na ng Cashier ko at nag open na para mapilahan na ng mga customers.

Paano ba maging maayos? Pagod na pagod na ako. Sa trabaho ko pa, sa pamilya kopa. Hindi ko na maintindihan.

Safe PlaceWhere stories live. Discover now