Rané 's pov
Pauwi ako galing sa trabaho ko, hindi pako matanda sadyang trabaho nalang muna ang inuna ko kesa mag aral. 2nd year college na sana ako ngayon kung hindi ako nag stop. 2 years ago nag stop ako dahil kinapos kami at may bunso pa akong kapatid na nag aaral din, kaya inisip ko nalang na tumulong sa mga nakaktanda kong kapatid at kayla mama.
Kasalukuyan kong hinihintay yung taxi na binook ko ng biglang tumawag ang girlfriend ko.
"Hello, Love? Napatawag ka?" Bungad ko pag ka sagot ko ng call.
" [Love nandito ako ngayon sa bahay niyo ha, sorry di kita nasabihan agad balak sana kitang i-surprise e.] " sagot niya mula sa kabilang linya.
"Ha? Late na Love a? Bakit naisipan mong pumunta saamin? Pumayag ba sila tito at tita? Nako love ha baka mamaya tumakas ka lang." Sabi ko sa kanya.
" [Hindi, Love. Pinayagan ako nila mama and guess what?] " Pag bitin ni Calista
"What?" tanong ko habang nag aayos ng gamit sa bag ko.
" [Dito ako sa inyo mag o-overnight, wiii!] " Masayang sabi niya.
"Eh? Bakit naisipan mo ata? I mean, you have morning class tomorrow and malayo layo ka saamin Love." Sagot ko.
" [Eh kasi naman, ang tagal na nating hindi nag kikita ulit tapos palagi ka nalang busy at wala ka ng halos oras saakin. Hindi kaba masaya? Uuwi nalang siguro ako.] " Sagot niya at agad na pinutol ang tawag.
"Tinopak nanaman siya. Aish, tama naman kase siya, masyado na akong busy pero sana naintindihan naman niya na inaalagaan ko si mama at hindi ko pwedeng pabayaan si mama." Sabe ko sa sarili ko.
Agad akong nag message sa kanya.
" [Love, hintayin mo ako sorry na.] "
Ilang minuto na ang nakalipas pero seen-zoned niya lang ako.
Maya-maya ay dumating na ang taxi. Pag ka sakay ko ay agad ko ng sinabe sa taxi driver kung saan ang destinasyon ko at nakinig ng music.
Maya maya ay may sinakay ang taxi.
Hindi ko na tinignan kase una sa lahat hindi naman ako interesado.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay biglang nag salita ang babaeng kasabay ko.
"Kuya pwede po bang paki una po akong ibaba? importante lang po kasi." Sabe niyang ganon, agad naman akong sumingit dahil hindi lang naman siya ang nag mamadali, ako din naman ay may hinahabol.
"Teka miss, paloob pa yung bahay namin dito hindi pwedeng dumerecho agad. Kung pwede sanang mag hintay ka nalang dahil mabilis lang din naman at hindi lang naman ikaw ang nag mamadali at may importanteng hinahabol or what, ako din naman." Prangkang sagot ko.
Nakita kong agad siyang napayuko.
"Importante daw kase sabe ni Miss kaya pwede bang dito nalang kita ibaba iha?" Tanong ni manong saakin.
Nainis na ako dahil patas lang naman kami ng binabayad at mas nauna ako nakapag book netong taxi na toh bago siya.
"Mawalang galang na manong, nag babayad din ho ako ng tama, edi sana nag private taxi nalang siya kung gusto niyang mabilisan at derecho na sa kanila hindi yung pa importante siya dito." Inis ko ng sabi.
Lumingon siya saakin saglit sabay yumuko ulit.
"Pasensya na kulang kase ang pera ko para sa private taxi e, wag ka mag alala bababa nalang ako dito at sasakay ng panibagong jeep bungad lang din naman yung bahay namin. Pasensya na ulit sa gulo, manong dun nalang po ako sa may pangalawang kanto para maka liko na po kayo." Mahinang sabe niya at humarap na sa bintanang malapit sa kanya.
YOU ARE READING
Safe Place
RomanceHow long can she wait for me? I'm really thankful because she has a lot of patience but what if one day she loses it? How long she can have patience. Does patience is the key to work things out? Patience in Problems. Patience in Herself. Patience in...