"Lumabas ka dyan!"
Malakas na katok ang aking narinig sa aking mula sa aking bahay. Eto na marahil ang aking katapusan. Nalaman na nang mga tao na narito ako.
"Oo! Taong pumatay doon sa bakang alaga ni Lola! Nakita ko lumipad yun! Biglang nawala at eto lang ang bahay na nag-iisa sa bundok!"
Napapikit ako. Alam kong may nakakita sakin pero hindi ko inaasahang makikita nila ang bahay ko.
"Lumabas ka dyan!"
"Hindi ba dito yung bundok sa alamat na pinamamahayan daw ng mga bampira?"
Tumayo ako sa aking kamang ilang dekada na. Ang masasabi ko lang hindi basta alamat lamang ang narinig nila sa bundok na ito.
At ako ang proweba.
"Lumabas kang aswang ka!"
Ginigiba na nila ngayon ang pintuan. Mabilis ko namang kinuha ang taalarawan ng aking ina at isang supot ng dugo mula sa bakang kinuhanan ko kanina.
Hindi rin nagtagal at nasira nila yun. Ilang dekada na ang bahay kaya't mabilis itong nabuwal. Nailuwa nito ang mga taong may hawak na sulu at may mga dalang itak at mga bagay na pwedeng makapatay.
"May.. tao"
Tahimik ko silang pinagmasdan. Napapikit ako ng may maramdamang kuryente sa aking katawan. Naamoy ko ang bango sa kanikanilang dugo. Napamulat ako.
"Pulang mata!"
"Patayin! Aswang!"
Hindi ko namalayang nagkusa ang paglabas ng pula kong mata na sa gabi lang nakikita. Unti-unti ring lumabas ang pangil ko. Umatras ako.
"U.. Umalis na kayo.."pagpipigil ko.
Nagsisigawan lang sila hanggang sa inambahan ako ng mga lalaki. Napayuko ako ngunit mabilis ko silang tinulak kaya sila tumilapon.
"Bampiraaaa!"
Agad akong lumipad mula sa pagkakatayo ko. Hindi ako kumukuha ng dugo ng tao. Hanggat maari..
"Sundan nyo!"
---
Hello! Thank you po sa pagbabasa! Kung nagustuhan nyo, vote naman please hehe. Thank you!