Kabanata 6

11 2 1
                                    

Nakauwi nang ligtas si Mercia kasama si Danny at Lola niya. Kagabi ay hinahabol nanaman si Alas ng mga tao dahil sa kinuhanan nito ang mga alaga nilang hayop. Pinagtanungan pa ang mga kasama niya maging sya ay tinanong rin dahil late syang nakarating buti nalang naniwalang umihi lang ito.


"Nakakatakot naman. Kaya Mama mag-iingat ka dito ha? Matanda ka pa naman,"

Nakatambay ngayon sa labas ng mansyon si Danny, Mercia habang nagwawalis naman si Lola Imelda. Hapon na rin at medyo makulimlim ang langit.

"Hindi ko rin akalaing may nabubuhay pa ring lahi nila. Kahit di ko pa nakikita ay naniniwala ako sa mga taong nagsasabi nito."

Tahimik lang na nakikinig si Mercia. Hindi sya makarelate dahil hindi naman ganon ang pagkakakilala niya kay Alas. Nalulungkot sya dahil sa mga sinasabi ng Lola niya. Napapaisip din sya na baka ang angkan lang ni Alas ang masama kaya sana wag ipasa sa anak ang galit nila.

Kinagabihan ay nakatanaw lang si Mercia sa bintana. Medyo inaantok na sya. Meron paring bawang sa bawat sulok na inayos niya at nilagay sa gilid ng kwarto. Isasara na niya sana nang may makita syang lumilipad sa ere.

"Paniki lang nama---ay kalabaw! Alas--"

"Shhh"

Nanlaki ang mata ng mata niya ng pigilan sya ni Alas na isara ang bintana at saka tinakpan ang bibig nito. Masyadong malapit ang mukha nila buti nalang ay lumundag na ito papasok sa loob. Isinara na rin ni Alas ang bintana dahil nakatayo lang doon si Mercia.

"Akala ko tulog ka na,"

"M-makakatulog ba ko nandito ka na?"

Natawa ng kaunti si Alas. "Oo nga pala,"

"Hindi ako permanente dito, bale nagbabakasyon lang ako dito sa mansyon ni Lola." paliwanag niya habang nakaupo sa kama. Si Alas naman ay nakatayo at nakasandal sa bintana habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa.

"Kung ganon, bakasyon ka lang nandito." tumango-tango naman si Mercia. Nagkaroon ng kaunting katahimikan kaya medyo naawkwardan si Mercia.

"Um, nakahanap ka na ba ng matitirhan?" biglang tanong ni Mercia. Napabuntong hininga si Alas. "Oo," saka tipid na ngumiti.


"Mabuti nam--"

"Gusto mong sumama?"

Natigilan si Mercia sa tanong ni Alas. Nakatingin naman si Alas  ng diretso sa kanya.


"Wow!" sigaw niya ng lumipad sila sa ere. Hindi niya naman akalaing masaya palang maging bampira!

'Erased that! No way Mercia!'

"Kulang nalang sayo kapa,"natatawang sambit ni Mercia. Nangunot lang ang nuo ni Alas na hindi naintindihan ang sinabi. "Nanunuod ka ba sa telibisyon? T.V?"

"Ano ang T.V?"


Napairap nalang sa ere si Mercia at pinagmasdan ang view sa taas. Meroon syang suot na bawang sa leeg bilang rule niya. Medyo hirap si Alas sa amoy nito pero tinitiis niya para makarating kung saan dapat pumunta.

Maya-maya pa ay bumaba sila sa isang gubat. Naglakad si Alas kaya sinundan siya ni Mercia. Maya-maya pa ay bumaba si Alas sa hagdan. Nanlaki ang mata ni Mercia nang ma-realize niyang may underground dito.

Pagkababa ay halos pagsisihan niya dahil sa dami ng kabaong ang naroon.

"Natatakot ka ba?"

Tumango sya bilang sagot. Hindi na sya nagsinungaling dahil halata naman sa mukha niyang natatakot sya. Natigilan si Mercia ng ilahad ni Alas ang kamay niya.

"Nandito naman ako, wag kang matakot"

Tumango sya at dahan-dahanh hinawakan ang kamay ni Alas. Hinila siya nito na ikinakaba niya. Sabay silang naglakad sa mga kabaong.

"Ang mga angkan ko." napatingin si Mercia kay Alas na nakangiti. Hindi niya alam pero nakaramdam sya ng lungkot.

Ngumiti si Mercia. "Nasaan ang mga magulang mo?" Mabilis na napatingin si Alas kay Mercia. Matagal itong hindi nakasagot habang nakatitig sa kanya. Umiwas ito ng tingin at tipid na ngumiti.


"Hindi ko alam."


Tahimik na lumipad pabalik sila Alas. May lungkot sa puso ni Mercia. Sinabi ni Alas na hindi niya alam. Hindi niya alam ang itsura nila, maging ang angkan niya. Namulat siya sa mundo ng mag-isa. Hindi niya alam kung nakagawa na ba sya ng kasalanan noong bata sya kaya hindi niya maipapangako na perpekto siya.


"Salamat," tipid na ngiting sabi ni Mercia ng makapasok sa kwarto. "Ako ang dapat magpasalamat sayo, kulang pa nga iyon. Nagtiwala ka sakin,"

"Pero may suot akong bawang" natatawang biro ni Mercia.

"Ganon na rin iyon,"

Nagpaalam na si Alas. Aalis na sana ito ng hawakan siya ni Mercia sa braso. Napalingon siya.

"Pwede tayong magkita, tuwing bakasyon. Simula ngayon, magkaibigan na tayo,"ngiting sabi niya na ikinagulat ni Alas. Mag-isa nalang si Alas. Gusto ni Mercia na maramdaman ni Alas na hindi siya nag-iisa. Na hindi naman talaga masama ang mga tao. Na kaya nitong makipagkaibigan sa ibang nilalang.

"Napakabuti mo, maraming salamat"ngiting sambit nito at saka lumipad.

---

:>

The Lost VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon